Mag-ingat sa mga kawatang forwarder!
December 28, 2005 | 12:00am
NGAYONG "holiday season" tiyak dadami ang bilang ng mga magpapadala ng "cargo" mula sa ibang bansa sa pamamagitan ng "freight forwarder."
Dito namin pinag-iingat ang publiko na huwag basta magtitiwala sa pagpapadala ng kanilang "cargoes" at mga "balikbayan boxes" sa kung sinu-sinong forwarder na lumalapit sa inyo.
Kilatisin mabuti ang "profile" ng kanilang kompanya bago pa man matulad sa reklamong ipinaabot sa aming tanggapan ng kapatid ng isang kababayan nating nagtatrabaho sa Canada.
Ayon sa reklamo ni Aurora, nagpadala mula Canada ang kanyang kapatid sa kompanyang UNI-GLOBE Forwarder (dating Uni-Mover). Itoy nakabase sa Canada. Ipinadala raw ito nung Setyembre 2003 at dapat ay matatanggap sa loob ng isang buwan.
Bumagsak ang nasabing mga bagahe sa loob ng International Container Terminal Services, Incorporated (ICTSI) sa Maynila. Pinabalik-balik daw ang mga nagrereklamo hanggang umabot ng isang taon.
Pinahayag ng nagrereklamo, "nung Nobyembre 2004, natuklasan po naming na-pilfer ang aming balikbayan box. Itinuro ng ICTSI ang isa pang forwarder, ang Ace Logistics Incorporated na siya raw pong responsable sa pagkakanakaw ng aming bagahe."
Idinagdag pa ng nagrereklamo, "hindi naman po kami nagkulang sa kakukulit sa AceLogistics at sinunod naman po namin ang hiling nila na magpadala ng mga dokumento sa opisina nila. Galit na galit po kami dahil pinaasa kami at para po kaming ginagago! Kaya heto ako ngayon na nilalahad ang "fiascong" ito. This is an injustice di po ba?"
Napag-alaman ng kolum na to, na ang may-ari ng inutil na Uni-Globe Forwarder ay isang "Pinoy" na nakilalang isang "BOY BANATE." Ito ay nakabase sa Ca-nada at di-umano sangkaterba ang reklamo sa pagiging balasubas sa negosyo.
Sa ipinaabot na reklamo laban sa mga nabanggit na kompanya. Nasa taumbayan na kung dapat pa silang pagkatiwalaan!
At sa mga kawatan sa loob ng mga nabanggit na kompanya, kasama na kayo sa aming tinutugis! Sige galingan nyo pa ang inyong pangungulimbat, isang araw BITAG na inyong makakaharap!
Hotline numbers, i-text (0918)9346417/ (0927) 8280973 o tumawag sa mga numerong 932-8919/932-5310. Makinig sa DZME 1530 Khz, Monday-Friday, 9:00-10:00 a.m at panoorin ang programang BAHALA SI TULFO Monday-Friday, 9:00-10:30 a.m. sa UNTV 37.
Dito namin pinag-iingat ang publiko na huwag basta magtitiwala sa pagpapadala ng kanilang "cargoes" at mga "balikbayan boxes" sa kung sinu-sinong forwarder na lumalapit sa inyo.
Kilatisin mabuti ang "profile" ng kanilang kompanya bago pa man matulad sa reklamong ipinaabot sa aming tanggapan ng kapatid ng isang kababayan nating nagtatrabaho sa Canada.
Ayon sa reklamo ni Aurora, nagpadala mula Canada ang kanyang kapatid sa kompanyang UNI-GLOBE Forwarder (dating Uni-Mover). Itoy nakabase sa Canada. Ipinadala raw ito nung Setyembre 2003 at dapat ay matatanggap sa loob ng isang buwan.
Bumagsak ang nasabing mga bagahe sa loob ng International Container Terminal Services, Incorporated (ICTSI) sa Maynila. Pinabalik-balik daw ang mga nagrereklamo hanggang umabot ng isang taon.
Pinahayag ng nagrereklamo, "nung Nobyembre 2004, natuklasan po naming na-pilfer ang aming balikbayan box. Itinuro ng ICTSI ang isa pang forwarder, ang Ace Logistics Incorporated na siya raw pong responsable sa pagkakanakaw ng aming bagahe."
Idinagdag pa ng nagrereklamo, "hindi naman po kami nagkulang sa kakukulit sa AceLogistics at sinunod naman po namin ang hiling nila na magpadala ng mga dokumento sa opisina nila. Galit na galit po kami dahil pinaasa kami at para po kaming ginagago! Kaya heto ako ngayon na nilalahad ang "fiascong" ito. This is an injustice di po ba?"
Napag-alaman ng kolum na to, na ang may-ari ng inutil na Uni-Globe Forwarder ay isang "Pinoy" na nakilalang isang "BOY BANATE." Ito ay nakabase sa Ca-nada at di-umano sangkaterba ang reklamo sa pagiging balasubas sa negosyo.
Sa ipinaabot na reklamo laban sa mga nabanggit na kompanya. Nasa taumbayan na kung dapat pa silang pagkatiwalaan!
At sa mga kawatan sa loob ng mga nabanggit na kompanya, kasama na kayo sa aming tinutugis! Sige galingan nyo pa ang inyong pangungulimbat, isang araw BITAG na inyong makakaharap!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended