^

PSN Opinyon

Wowowee!

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
NOONG Sabado ho ay nagpapalipat lipat ako ng channel sa telebisyon nang madaanan ko ang Wowowee hosted by Willie Revillame ng ABS—CBN.

Dati rati ay aaminin kong hindi natin gusto ang nasabing noon time show at ganuon din ang masasabi natin tungkol sa Eat Bulaga naman ng GMA—7. Puro kasi kalokohan at kakornihan ang dalawang show pero noong Sabado ay nakita kong karamihan sa mga nanunuod ng live sa show ng Dos ay mga bata.

Ang saya-saya tingnan ng mga bata kung saan sa sandaling panahon ay tunay na ma-eenjoy nila ang Kapaskuhan pero hindi yan ang pinakamagandang parte ng naturang show.

Ang pinakamagandang parte ng show nitong si Willie Revillame ay nang ipakita niya ang pagdalaw niya sa mga kapuspalad nating mga kababayan na walang mga tirahan at natutulog sa kalsada. Ang mga anak nila ay natutulog sa sapin na karton sa bangketa ng kalye o di kaya’y sa kariton.

Kitang kita ang tuwa sa mukha ng mga kapos palad nating kababayan. Ang iba nga mukhang hindi pa makapaniwala sa inabot nilang suwerte.

Binigyan niya ng regalo ang mga ito at sinama pa niya sa kanyang show kung saan sila ang naging mga contestants. Bawa’t isa sa kanila ay binigyan din ng tig P10,000 at may mga dagdag pang regalo.

Malaking bagay para sa mga tunay na hirap nating kababayan pero maliit na halaga para sa malaking network gaya ng Channel 2. Kahit ano ang sabihin nila laban sa ABS—CBN at kay Revillame at kung sino man ang nakaisip ng pagtulong na yon, dapat silang batiin. Uulitin ko, napakalaking bagay ang naitulong nila sa mga nagdurusa nating mga kababayan.

Sana ngayong panahon man lang ng Kapaskuhan o itong Holiday Season ay gayahin sila. Gaya ng paulit ulit kong pinapakiusap, share lang ng konti. Gaya ng ABS o si Willie, tiyak natin konti lang ng kinikita nila ang pinamahagi nila, pero willing sila.

Marami tayong mga kababayang mayayaman, mga higit pa sa ABS at kay Willie, pero ayaw mag-share. Ngayong season man lang ho, kahit barya lang po ninyo ay malaking bagay.

Muli, mangungulit tayo, please share kahit konti. Ako nga pala noong Christmas Eve ay sumama sa isang kaibigan na namamahagi ng konting tulong sa mahihirap. Paniwalaan niyo kami, sarap ho ng pakiramdam lalo na makikita niyo at madarama ang tunay na pasasalamat ng mga kapatid nating naghihikahos.

Pasalamat na halos maluha sila sa tuwa. Hindi thank you na galing sa bibig pero balewala sa puso. Pangungulit natin, maliit sa atin pero napakalaking bagay para sa kanila.

Hindi pa ho huli ang Holiday Season, habol na kayo at kahit konti lang ho ay marami para sa kanila.
* * *
Merry Christmas 2 u Mr. Kua and 2 my parents Jaime and Inday Supetran of Ibajay, Aklan Gilbert, Nancy, Larry L. Boy, Marlon Lerma wishing you all a blessed Christmas and Abundant New Year from Boy Margerie Dy.

Merry Christmas and Happy New Year to the family circle from Steve Caraang of Macau. Merry Christmas sa parents, Carlo, Jojo, Louie, Crisna, Joy, Raymund and 2 d readers of PSN Happy New Year — 09162769195.

Merry Christmas and Happy New Year kay Sarah ng Bulacan — Joseph of Manila. Merry Christmas sa lahat ng taga Adventist University of the Philippines. God Bless — Justin. Merry Christmas and Happy New Year to Rev. Benny and Nerry Palafox of San Mateo, Isabela and to Mr. and Mrs. Rudy Lebii — Omega and Gem Ramos. Merry Christmas! God Bless You and Your Family — 09274329112. Merry Christmas to Mama Luzviminda Dy, Sarah, Sunny, Gary, Jinky, Lizel Len and Ian from Boyghie.

May the Advent Candle of the Yuletide bring harmony, joy and abundance to you and your family this Christmas and always. Seasons Greetings — 09174057312. Mr. Nixon Kua Merry Christmas to you and your family — Arnold of Hongkong. Merry Christmas and Happy New Year. Welcome 2006 — 09272693312.
* * *
Para sa anumang reaksyon o kumento, text lang o e mail sa [email protected] o [email protected] o mag text sa 09272654341.

ADVENTIST UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

AKLAN GILBERT

CHRISTMAS

HOLIDAY SEASON

MERRY

MERRY CHRISTMAS

MERRY CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEAR

WILLIE REVILLAME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with