^

PSN Opinyon

Cash-sunduan ng mga gago sa Bureau of Customs

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
HINDI matitigil ang smuggling activities sa Bureau of Customs hangga’t sangkaterba ang bugok na tumatanggap ng pitsa todits. Nahuhuli ang mga epektos, totoo iyon pero ang mga bugok sa bureau naman ang mga uma-abogado. Sabi nga, ang slogan "hulihin nila kami ang lawyer."

Last week, may P100 million worth ng mga epektos ni Lina oink-oink ang sumabit diyan sa pier dahil tinipid nito ang panggastos para sa mga magpupuslit ng kargamento.

Sa inis, para makaganti ang mga gagong ganid sa pitsa, inginuso ang shipment ni Oink-oink. Kaya caught in the act ang smuggling operation. He-he-he! Beh, buti nga!

Kaso nagkaroon ng maniobra sa epektos, maraming mga mahahalagang bagay ang naitago habang binuburiki ito ng mga mangangalkal. Iyong mga very expensive merchandises dehins nakasama sa bilangan.

Kaya naman oink-oink nang oink-oink sa kaiiyak ang kawawang si Lina dahil may mababait pa ring bugok ang tumulong sa kanya para dehins naman siya mabigatan sa pagbabayad ng buwis.

Samantala, para huwag sumingaw ang baho regarding the shipment, namudmod pa rin ng pitsa si Lina oink-oink sa mga bugok na kausap niya para very secret ang operation.

Na-indulto kasi ang smuggling operation kaya naman malaking kahihiyan ito sa parte ng may-ari ng shipments. Sabi nga, sira ang credibility niya sa owner.

Nag-bida kasi si Oink-oink na kaya niyang maglabas ng epektos sa pier kahit ano pang klase at sa anumang paraan. Prez Gloria Macapagal-Arroyo, Your Excellency. Kaya hayun, sabit!

Halos himatayin si Oink-oink sa kalalakad para ayusin ang dapat ayusin from pier to airport. Tanggap naman nang tanggap ang mga lintik!

"Ngayon lang nahulihan ng shipment si Lina oink-oink sa pier kahit na matagal na siyang nagpapalusot todits," sabi ng kuwagong maninisip ng tahong.

"Umalingasaw ang bantot ng kanyang kargamento kaya sumabit ito," sabi ng kuwagong manananggal.

"Kailangang tiktikang mabuti ang nahuling shipments dahil tiyak lulutuin ito," sabi ng kuwagong manluluto ng buwis.

"Gobyerno ang dapat pakitain at hindi ang mga gago."

"Sangkatutak kasi ang magicians sa pier regarding taxes and duties," anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Mahahabol pa ba ni Lina oink-oink ang shipment niya sa gobyerno?" tanong ng kuwagong taga-BIR.

"Iyan ang itanong mo kay DoF Secretary Margarito Teves, kamote."

BEH

BUREAU OF CUSTOMS

KAYA

OINK

PREZ GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SABI

SECRETARY MARGARITO TEVES

YOUR EXCELLENCY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with