Frame Up. . .
December 26, 2005 | 12:00am
NAHAHARAP sa kasong Acts of Lasciviousness si Dioscoro Roa matapos ireklamo ng dati niyang asawang si Julieta sa umanoy pangmomolestiya nito sa nakababatang kapatid na itago na lamang natin sa pangalang Lani.
Ito ang dahilan kaya nagsadya sa aming tanggapan si Cesario Jaquino ng Balara, Quezon City upang humingi nagtulong hinggil sa kaso ng kanyang pinsan.
"Tubong Leyte at karpintero ang pinsan kong si Dioscoro. Tatlo ang kanilang mga anak. Nagdesisyon ang asawa nitong si Julieta na lumuwas ng Maynila dahil sa hirap ng buhay sa probinsiya," sabi ni Cesario.
Pumayag si Dioscoro na lisanin ng asawa ang probinsiya at magbakasakaling makahanap ng trabaho sa siyudad dahil sa pangakong papadalhan sila ng pera kada buwan. Hanggang sa dumalang at tuluyan nang nawalan ng komunikasyon ang dalawa.
"Ang huling sulat daw sa kanya ni Julieta nang magsumbong ito sa kanya na pinagtangkaan itong gahasain at nasaksak siya ng adik nitong kapatid na si Eduardo," kuwento ni Cesario.
Sinabihan ni Julieta ang asawa na huwag na siyang alalahanin pa sapagkat kaya naman nitong alagaan ang sarili. Kinutuban si Dioscoro kaya naman nagpasiya siyang lumuwas ng Maynila upang makita ang kalagayan ng asawa. Sa bahay naman ng kanyang biyenan tumuloy si Dioscoro at malugod naman siyang pinatuloy dito.
"Nadiskubre ng pinsan ko na may kinakasama na palang iba ang kanyang asawa. Hindi na sila inintindi nito at tuluyang iniwan ang kanyang pamilya," kuwento ni Cesario.
Samantala gumawa ng paraan si Dioscoro na maitaguyod ang kanyang mga anak. Kahit papaano ay nakapagtrabaho ito habang siya ay nakikitira sa kanyang biyenan. Dahil sa sakit na naramdaman sa pag-iwan ng asawa, madalas niyang nakakausap ang hipag na si Lani hanggang silay nakapalagayan ng loob. Nagkaroon umano ng lihim na relasyon ang dalawa.
"May namagitan sa dalawa. Ang sabi ng aking pinsan ay maraming beses nang may nangyari sa kanila. Natatakot pa nga raw siya at tinanong si Lani na baka idemanda siya ng pamilya nito. Sumagot naman daw ito na oras na malaman ng mga ito ang kanilang relasyon ay magtanan na lamang sila," sabi ni Cesario.
Naging masaya umano ang dalawa sa kanilang relasyon. Nabago ang lahat sa buhay ni Dioscoro dahil sa matinding pag-ibig nito sa dalaga. Samantala natuklasan din umano ni Dioscoro na ginahasa ng kanyang bayaw na si Eduardo ang siyam na taong kapatid nito. Nagpursige siyang ipakulong ito subalit dinala na lamang ito sa isang rehabilitation center ng asawa niya.
"Gusto daw sana ng biyenan niya na mabulok sa kulungan ang anak pero ang nasunod pa rin si Julieta kaya walang na silang nagawa," salaysay ni Cesario.
Lumipas ang mga buwan, natuklasan na ng pamilya ni Lani ang kanilang relasyon. Sinabihan umano ni Lani si Dioscoro na magkita sila sa isang lugar upang pag-usapan ang planong pag-alis. Hindi umano pumayag si Dioscoro dahil katwiran niyay malinis ang hangarin niya at handa niyang kausapin ang biyenan tungkol sa kanilang relasyon.
"Natiyak ni Dioscoro na ipahuhuli nga siya nang makita niya ang asawa. Hanggang sa siya ay inaresto at nakulong noong ika-16 ng Pebrero 2005," pahayag ni Cesario.
Matapos mahuli si Dioscoro at napiit sa bilangguan. Inireklamo siya ni Lani kasama ang kapatid na si Julieta. Nagbigay siya ng pahayag na umanoy hinipuan at ginahasa siya nito. Na ayon sa salaysay ni Dioscoro ang lahat ng iyon ay kagustuhan ng asawa niya. Labag man sa kalooban ni Lani at ina nito ay walang silang magawa kundi sundin ang kagustuhan ni Julieta. Pinagsamantalahan at hinupuan umano ni Dioscoro si Lani.
"Hindi totoo ang ibinibintang sa kanya dahil talagang may relasyon sila. Nakapagpiyansa naman siya pero nang iniimbestigahan na ang kaso hindi dumadating sina Lani," pahayag ni Cesario.
Ilang buwan na ang lumipas at wala nang naging balita pa si Dioscoro sa pamilya ng kanyang asawa. Ika-16 ng Disyembre, 2005 bandang alas-8 ng gabi muling nadakip si Dioscoro dahil sa kaso nito.
"Nakakulong siya sa Quezon City Jail at nakikiusap siya sa akin na tulungan ko siya sa kasong ito nang makalaya siya at makapiling ang mga anak. Pinuntahan ko ang bahay ng kanyang biyenan subalit ipinagbenta na pala ito. Magmula nang magreklamo sila laban sa pinsan ko ay hindi na sila nagpakita pa. Wala na kaming balita sa kanila. Nagtataka lang kami kung bakit muli siyang hinuli samantalang nakapagpiyansa na kami," pahayag ni Cesario.
Hangad ni Cesario na matapos na ang problema ng kanyang pinsan at umaasa siyang mapapawalang-sala si Dioscoro.
Mukhang malakas sa Central Police District ang umanoy nagrereklamong ito dahil matapos makapagpiyansa ng suspek ay nagawang hulihin pa ito. Hindi kaya nangha-harass lamang ang mga ito?
Nanawagan kami kina PNP Chief Arturo Lomibao at NCRPO Chief Vidal Querol na imbestigahan ang kasong ito. Samantala nangako naman si Secretary Raul Gonzalez na tutulungan niya ang pamilyang ito.
Para sa lahat ng biktima ng karahasan, krimen at mga legal problems, maaari kayong tumawag sa 6387285 o di kayay sa 6373965-70. Maaari din kayong magtext sa 09213263166 o 09209672854. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.
E-mail address: [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest