The best Xmas gift sa pananaw ni MJ
December 26, 2005 | 12:00am
NATIONAL unity. Iyan ang sa pananaw ni Mark Jimenez (MJ) ang pinakamabuting aginaldong maiaalay ng mga pulitiko sa bansa.
Kung Pasko hindi tayo nakalilimot magbigay ng regalo sa mga mahal natin: mga inaanak, kamag-anak, kaibigan, etc. Iyan kasi ang diwa ng Pasko. Pagbibigayan. God did not hessitate to give the life of his own Son Jesus Christ para sa kaligtasan ng sanglibutan. That is just the best gift that we have received from our Father in heaven.
May kasabihan na the best gift ay mga bagay na di nakikita kundi nararamdaman. Kung may pagkakaisa, tiyak mararamdaman natin ang pag-unlad.
Matapos ang dalawang taong pagdurusa sa piitan sa USA, balik-Pinas si MJ. Pero naantig ako sa sinabi niya na ang mga banatang pulitikal na nagpapagulo sa kalagayan ng bansa ay tila nagiging isang uri ng "bloodsport" na paboritong libangan ng maraming pulitiko. Tama ang obserbasyong ito ng dating Kongresista.
Ang political warfare sa bansa ay madugo at walang sinasanto. Lahat nadadamay pati mga inosente na parang magkakapamilyang "nagsasabong" o "pinagsasabong" para magtamo ng political mileage. Sa pagtaya ni MJ, at itoy inaayunan ko, hindi mahirap i-angat ang kalagayan ng bansa kung magkakaisa lang ang bawat Pinoy at iwawaksi ang bangayan. Totoo. Sa kita pa lamang ng mga OFWs na umaabat sa $20 bilyon taun-taon, dapat sanay sumigla na ang pambansang kabuhayan.
Kapag nasa abroad, ubod nang sipag ang mga Pinoy kaya silay paborito ng mga foreign employers. Sana ganyan din sila sa sariling bansa. Ika nga ni MJ, kung ang sipag at sikap ng Pinoy ay mai-aadap sa Pinas, walang dahilang hindi tayo umasenso.
At bakit hindi paniniwalaan si MJ. May kakayahan siyang magpalago ng negosyo gaya nang ginawa niya sa kanyang maliit na computer company na naging multi-milyong dolyar na negosyo. Nakulong siya sa US dahil pinondohan niya diumano ang kandidatura sa pagka-pangulo ni Bill Clinton. Pagpalagay nang totoo, mantakin niyo, isang Pinoy nagpondo sa kandidatura ng naging Pangulo ng Amerika? What a feat!
Pagdating niya sa Pinas kamakailan matapos lumaya, inaasahan ng ating mga kabaro sa media na may bomba siyang pasasabugin pero sa halip, ang advocacy ngayon ni MJ ay national unity.
Kung minsan, habang malayo ka sa iyong bansa ay lalo mong nakikita ang pagdurusa nito. Kaya kakaibang MJ ang nakita natin ngayon. Gusto niyang isaisantabi ang mga bagay na pulitikal at himukin ang bawat Pilipino na magkaisa para umunlad na ang bansang matagal nang nagdurusa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended