^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kahit di-lawyer ubrang NBI director

-
KAHIT hindi abogado ay maaaring pamunuan ang National Bureau of Investigation (NBI). Bakit ba ang namayapang si National Bureau of Investigation Director Reynaldo Wycoco ay hindi abogado pero nagampanan nang maayos ang bureau. Si Wycoco ang kauna-unahang director ng NBI na hindi abogado. Hinirang siya ni President Arroyo noong 1998. Sumakabilang buhay si Wycoco noong Martes makaraang ma-stroke noong November 23.

Habang nasa coma ang NBI director agad na nagsulputan ang mga bali-balita kung sino ang papalit sa kanyang puwesto. Para bang nalalaman na nilang hindi na magtatagal ang nakaratay na director at pinag-aagawan na ang posisyon.

Unang lumutang ang pangalan ni retired police general Reynaldo Berroya. Pagkarinig pa lamang sa pangalan ni Berroya ay marami na ang napa-tsk-tsk-tsk! Hindi nababagay sa NBI si Berroya dahil hindi raw naman ito abogado. Karamihan sa mga napa-tsk-tsk-tsk! ay mga taga-NBI mismo.

Lumutang din ang pangalan ni retired police general Edgardo Aglipay. Marami ang napa-yes at meron din namang napa-tsk-tsk-tsk! Paano’y hindi rin umano abogado si Aglipay. Dapat daw ay isang abogado ang ipalit kay Wycoco. Karamihan ng mga napa-tsk-tsk-tsk ay taga-NBI rin mismo.

Lumutang din ang pangalan ni Manila Police Department Director Pedro Bulaong at lalo nang maraming napa-tsk-tsk-tsk? Hindi rin abogado si Bulaong. Lumutang din ang pangalan ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na ipalit bilang NBI Director. Wala ring may gusto kay Duterte.

Kailangan ay isang abogado ang mauupong NBI director. Kaya hindi kataka-taka na marami ang pumalag nang ang namayapang Wycoco ay hirangin ni Mrs. Arroyo. Bakit si Wycoco ang pinili ay hindi naman ito abogado? Bakit hindi ang mismong nasa NBI na ang piliin para bihasang-bihasa na sa takbo ng NBI?

Lahat ng mga naging NBI director ay pawang abogado maliban kay Wycoco pero ang tanong, nagkaroon ba ng magandang performance ang NBI nang ang mga director nito ay mga abogado. Hindi ba’t maraming kabulastugan ang nangyari sa NBI sa nakaraan? May mga NBI agent na sangkot sa katiwalian, carnapping, pagnanakaw ng mga ebidensiyang shabu, at kung anu-ano pang kawalanghiyaan. Napatino ba ng mga abogado kunong director?

Kahit hindi lawyer ay maaaring pamunuan ang NBI. Ang kailangan lamang ay isang director na seryoso, parehas at alam ang trabaho. Mas mahirap pa nga kung isang lawyer sapagkat baka gamitin ang kaalaman sa batas para baligtarin ang tama. Kahit sino ay puwede sa NBI basta mabuting tao.

ABOGADO

BAKIT

BERROYA

DIRECTOR

LUMUTANG

NBI

TSK

WYCOCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with