Modern day victims
December 25, 2005 | 12:00am
WE keep referring to our Overseas Filipino Workers (OFWs) as "Modern Day Heroes" but considering the way that they are treated in the airport when they arrive from abroad, we might as well call them "Modern Day Victims". In my radio program "Usapang Overseas" (DZRH every Sunday 10 to 11 AM with Andy Vital), we keep getting calls from OFWs, complaining that they have been robbed right inside the airport when they arrived.
Hindi po ako nagsasalita nang patalinhaga. Ang ibig ko sabihin "robbed" talaga as in ninakawan sila. Iba pa yong ina-arbor ang mga dala nila ng mga tiwaling customs at immigration officials, kasi dati na namang ginagawa yan. Itong sinasabi ko ngayong "robbery" ay hindi rin bago, ngunit kapansin-pansin na tila lumala na talaga ito.
Maniwala man kayo o hindi, maraming mga baggage ng mga OFW ngayon ay binubuksan hindi pa nakakarating sa customs area, doon pa lang sa pag-pasok sa baggage area. In fairness naman sa NAIA management, ang katiwalian na ito ay sagutin pa ng mga airlines, ngunit sa pagka-alam ko, may mga police na nag-babantay diyan, na parang kasali din sa racket.
Kawawa naman talaga ang ating mg OFW. Heroes nga ang tawag sa kanila, ngunit sa simpleng bagay pa lang na pag-bibigay ng protection sa kanilang mga dalang gamit, wala na silang maa-asahan. Kung hindi sila nawawalan sa baggage area, nagiging victim naman sila sa immigration at customs area.
Alin bang government agency ang dapat magtapos ng problem na ito? Hindi ba ang Department of Labor & Employment ang dapat nag-rereklamo pero bakit parang wala tayong naririnig kay Sec. Pat Sto. Tomas? Wala rin tayong naririnig kay Justice Secretary Raul Gonzalez, ang pinaka-boss na nasa ibabaw ng Bureau of Immigration. Sa side naman ng Customs, parang tahimik din ang Department of Finance. Ang problema, tenant din lang naman ng NAIA ang Customs at Immigration. Paano na yan? Merry xmas to all!
Tune in to "HELLO SA IYO PILIPINO" on DZAR AM radio 1026 KHZ Mon to Fri 7 to 8 PM. Join the OFW Family Club. Visit www.ofwfamilyclub.com Text AMBA at 09224143582, call 5267522 or 5267515 or email him at [email protected]
Hindi po ako nagsasalita nang patalinhaga. Ang ibig ko sabihin "robbed" talaga as in ninakawan sila. Iba pa yong ina-arbor ang mga dala nila ng mga tiwaling customs at immigration officials, kasi dati na namang ginagawa yan. Itong sinasabi ko ngayong "robbery" ay hindi rin bago, ngunit kapansin-pansin na tila lumala na talaga ito.
Maniwala man kayo o hindi, maraming mga baggage ng mga OFW ngayon ay binubuksan hindi pa nakakarating sa customs area, doon pa lang sa pag-pasok sa baggage area. In fairness naman sa NAIA management, ang katiwalian na ito ay sagutin pa ng mga airlines, ngunit sa pagka-alam ko, may mga police na nag-babantay diyan, na parang kasali din sa racket.
Kawawa naman talaga ang ating mg OFW. Heroes nga ang tawag sa kanila, ngunit sa simpleng bagay pa lang na pag-bibigay ng protection sa kanilang mga dalang gamit, wala na silang maa-asahan. Kung hindi sila nawawalan sa baggage area, nagiging victim naman sila sa immigration at customs area.
Alin bang government agency ang dapat magtapos ng problem na ito? Hindi ba ang Department of Labor & Employment ang dapat nag-rereklamo pero bakit parang wala tayong naririnig kay Sec. Pat Sto. Tomas? Wala rin tayong naririnig kay Justice Secretary Raul Gonzalez, ang pinaka-boss na nasa ibabaw ng Bureau of Immigration. Sa side naman ng Customs, parang tahimik din ang Department of Finance. Ang problema, tenant din lang naman ng NAIA ang Customs at Immigration. Paano na yan? Merry xmas to all!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest