Tiyak na may kalalagyan kay Supt. Joel Baloro
December 25, 2005 | 12:00am
Maligayang Pasko sa inyong lahat mga suki!
KUNG noon itong maliit na bayan ng Pateros ay kilala sa produkto nilang balut sa ngayon iba na ang pagkakilanlan nila. Ayon sa suki kong sumulat sa akin, ang Pateros sa ngayon ay kilala na bilang pugad ng unsolved crimes at ng illegal na droga. At nangyari ang lahat ng ito sa ilalim ng liderato ng INUTIL nilang hepe ng pulisya na si Supt. Joel Baloro, anang sumulat sa akin. Ang akala ng marami ay kakaunti lamang ang krimen sa Pateros. HINDI PO! Marami pong unsolved crimes sa Pateros, anang sumulat sa akin. Very inefficient ang mga pulis, corrupt at hindi marunong mag-imbestiga. dagdag pa niya. Sana ay mag-imbestiga kayo dito sa Pateros at mabubuking nyo ang kabuktutang nangyayari sa bayan namin, anang sumulat. He-he-he! May kalalagyan dito si Baloro kapag totoo itong sumbong ng suki ko.
Sinabi pa sa sulat na ang nakakulong lamang sa Pateros sa ngayon ay ang mga pipitsuging drug addicts, lalo na yaong walang pera. Basta merong PANLAGAY LAYA NA, aniya, Yaong latest daw na robbery case sa Pateros, kung saan naholdap ang isang dealer ng softdrink, naiwanan ng holdaper ang getaway vehicle nila na isang motorsiklo. Akalain po nyo ini-release ng mga pulis (yong motorsiklo) kahit hindi pa tapos ang imbestigasyon. Wala pong nangyari (sa kaso), anang sumulat. Ayon pa sa suki ko, magka-vibes si Baloro at mayor nila dahil pareho silang INUTIL laban sa krimen at droga. Nag-iwan pa siya ng akusasyon na ginagawang gatasan ng mga pulis-Pateros ang mga mayayamang drug pushers sa kanilang lugar. Ang dahilan nila kasi, nahuhuli naman ng pulis nila itong mga drug pushers subalit ilang sandali lang ay nakakalaya na. He-he-he! Dapat husgahan na ni NCRPO chief Dir. Vidal Querol si Baloro.
Kung pulis ang inirereklamo ng taga-Pateros, ganun din sa Pasig City. Ang paksa naman ng reklamo ng mga may-ari ng videoke at KTV bars ay si SPO3 Jose Tata Bebot Marzan na konektado umano sa Pasig City police. Ayon sa samahan ng mga videoke at KTV bars, malaki na ang kanilang binabayaran sa City Hall ng Pasig subalit nadagdagan pa ito dahil sa araw-araw o linggu-hang intelihensiya nila kay Marzan, na tinawag nilang peste sa kanilang negosyo. Sila po ang buwayang mga pulis na kung pumasok sa amin ay para pong kami ang may utang sa kanila, anang sumulat rin sa akin na nalulungkot dahil hindi umano nagbabayad ng ininom at kinain ang mga pulis Pasig sa kanila. Kung hindi naman sila papayag sa kagustuhan ng grupo ni Marzan, palagi silang niri-raid kahit planted ang ebidensiya, dinadala sa presinto ang mga babae at pinapatubos sa kanila sa malaking halaga. Si Marzan ay nakamotorsiklo at palaging nakatakip ang mukha kapag dumadaan sa kanilang establisimiyento, anang sumulat sa akin.
Kapag may intelihensiya na sila kay Tata Bebot, aba puwede ng mag-all the way ang mga babae nila sa sayaw nila. Kaya lang libre sa inom na itong grupo ni Marzan at palaging available dapat ang mga GRO na makukursunadahan nila. Aba, sobrang buwenas nitong si Marzan.
Sana magkatulo ka Sir o dili kayay magka-AIDS dahil sa kasibaan mo sa babae. At dahil sa hirap ng buhay ngayon, nagsara na ang ilang kasamahan nila dahil hindi nakayanan ang pang-aabuso ni Marzan. Paging Gen. Querol. Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am