Akala nina Oreta kaya akong tapalan para hintuan ang kanilang video karea
December 24, 2005 | 12:00am
KULANG lang daw ako sa pansin o dili kayay namamasko kaya binabanatan ko ang video karera nina Len Oreta at Oye Santos sa Parañaque City at sa kaharian ni Malabon Mayor Canuto Oreta. Sinabi ng suki ko na marami sa taga-City Hall ng Malabon ang natutuwa dahil sa pagbira ko sa video karera ng kapatid ni Mayor Canuto na si Len, subalit nagdududa silang may kahihinatnang maganda ang krusada ko. Nagyayabang pa raw ang kampo ng mga Oreta na kaya nila akong tapalan para mapahinto sa pagsulat sa naglilipanang video karera sa Malabon at pati na sa siyudad nga ni Parañaque City Mayor Jun Bernabe. Pero kung iilan lang ang natutuwa sa ginagawa ko, masarap ding damahin na may naniniwala pa na matatapos din ang maliligayang araw nitong tambalang Len Oreta at Oye Santos. Kaya sa taga-Malabon, huwag kayong magsawa sa pagsuporta sa akin dahil hindi pa tapos ang laban. He-he-he! Uulitin ko, walang kasamaan na walang katapusan, di ba mga suki?
Sa totoo lang, tuloy pa rin ang video karera operation nina Len Oreta at Oye Santos kahit marami na tayong tinatawagan para masupil ito. Walang binatbat si NCRPO chief Dir. Vidal Querol laban kina Len Oreta at Oye Santos dahil parang bingi siya sa problemang dulot ng kanilang illegal na negosyo. Si Mayor Canuto? Aba, siyempre, hindi kayang galawin niyan ang operation ng makina ng kapatid niya dahil baka nakikinabang din siya rito sa tawag nating KBL o kasal, binyag at libing, di ba mga suki?
Kaya hanggang hindi ikinukumpas ni Mayor Canuto ang kanyang kamay na bakal, siyempre tahimik lang at may posas din itong mga kamay ni Supt. Moises Guevarra, ang hepe ng pulisya. Eh kung kina Len Oreta at Oye Santos nga eh inutil si Querol, si Guevarra pa kaya na may utang na loob kay Mayor Canuto? Kaya kung naglilipana ang adik at tumataas ang krimen sa Malabon, wala nang dapat sisihin pa ang mga residente doon kundi ang kanilang mayor na si Canuto, ang kapatid niyang si Len at si Querol, di ba mga suki?
Ayon sa suki ko, maging sa kapaligiran ng bahay ni Mayor Canuto sa Tugatog ay puno ng video karera ng kapatid niya. Naglilipana rin ang video karera nina Len Oreta at Oye Santos sa mismong siyudad ng Malabon tulad ng sa Consignacion St., sa tabi ng Mackys restaurant, sa Hulong Duhat, Tonsuya, Tinajeros, Tugatog, sa Remigio, Silonian, Sitio Rosal, Saloma at sa Sapang Maysilo at Panghulo. Inuulit ko, sina Oye Santos at magkapatid na Konsehal Boyong Mañalac at Alex Mañalac ang financiers ng mga makina at ang bagman ay wala pa ring pagbabago sa katauhan ni chairman Jess Manalastas. Ano kaya ang masasabi ni Mayor Canuto rito?
Kung inutil si Querol laban kina Oye Santos at Ronald, aba mukhang ganun din siya laban sa mga pulis na video karera operators na sina Jerry Peralta at Romy Malang ng QCPD. Ito kasing sina Peralta at Malang ay namamayagpag sa kanilang lugar kasama na sina Renel Bernardo, Eric Francisco, Lito Mison, Benny Ang, Mel Espinosa at Malang brothers pero walang humahabol sa kanila. Bakit? Hanggang kailan din kaya ang buwenas nitong sina Peralta, Malang, Bernardo, Francisco, Ang, Mison, Espinosa at Malang brothers sa negosyo nilang video karera. Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended