^

PSN Opinyon

Cops versus cop

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
MUKHANG uso sa ilang bugok na taga-Manila Police ang slogan na ‘‘dog eat dog’’. Sabi nga, hulugan ng mga magkakapalda este mali kabaro pala.

May kumuliglig sa mga kuwago ng ORA MISMO, dahil noog Dec 7, nagkaroon ng holdapan sa isang lugar sa Tondo, Manila na sakop ng MPD Station 1.

Isa sa mga tirador ang nakalawit ng mga lespiak sa Station 1 at apat pa ang itinuturong suspect isa todits ang dati nilang kasamahan sa istasyon.

Si SPO2 Harry Sadiwa, ng MPD – District Police Intelligence Unit, ang isa sa mga isinasangkot sa holdapan kaya pilit siyang isinabit sa kaso ng mga bugok na lespiak na kalaban nito sa nasabing istasyon. Kinasuhan tuloy ang pobreng alindahaw sa kasalanan dehins niya ginawa kaya up to now ay disarmado si Harry at may pending case.

May mga lespu sa MPD headquarters at mga media na kinabibilangan nina Francis Naguit, Prez ng MPD Press Corps, Geman Roque, reporter ng Police Files ang nagpapatunay na noong oras ng holdapan kausap nila si Harry sa headquarters.

Sangdamakmak ang nagtataka kung bakit si Harry ang itinuturo ng biktima na kasama sa holdapan. Ang korte na lamang siguro ang dapat magbibigay linaw sa case kung totoo man o dehins ang pangyayari. Sabi nga, may nagsusi kay Harry.

Tinira pala ni Harry ang video karera sa Tondo nang lumipat ito sa DPIU kaya naman galit na galit ang mga bugok na patong sa illegal gambling. Sabi nga, lintik lang ang walang ganti!

‘‘Mukhang may bagong scenario pinaplantsa ang mga bugok para idiin sa panibagong kaso si Harry,’’ anang kuwagong kolektor ng jueteng sa Manila.

‘‘Siguro nga’’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Nanggagalaiti kasi sa galit kay Harry ang mga bugok,’’ naiinis na sabi ng kuwagong bantay sa peryahan.

‘‘Ano ang dapat gawin ni Harry kung ganoon?’’ tanong ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Mag-ingat kamote hindi birong kalaban ang mga bugok sa Manila.’’

DISTRICT POLICE INTELLIGENCE UNIT

FRANCIS NAGUIT

GEMAN ROQUE

HARRY

HARRY SADIWA

MANILA POLICE

POLICE FILES

PRESS CORPS

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with