Lina oink-oink buko sa pier
December 22, 2005 | 12:00am
BINABATI ng mga kuwago ng ORA MISMO, Si Senador Fred Lim, birthday niya kahapon. Happy birthday, Fred!
Huwag nang ungkatin pa ang edad ni Fred secret toits basta ang importante binata ang magiting na Senador. Tuwang-tuwa kasi ang mga kuwago ng ORA MISMO, kay Fred dahil napaka-simpleng Noypi niya. Dehins mayabang, mapagkumbaba, magalang et cetera pero iba kapag alam ninyo na ang ibig sabihin ng Chief Kuwago! Mayor este Senador pala happy birthday ulit!
Ang isyu, sangrekwang salapi pala ang pinaghatian ng mga bugok na Customs sa Port of Manila para ilabas ang dalawang 40 footer containerized van na may P100 million assorted electronics with matching cell phones pa.
Ang problema sinungkit ni Deputy Commissioner for Intelligence and Enforcement Celso Templo, dahil hindi niya nagustuhan ang istilo ng mga gago kasi dadayain nila ang gobyerno sa pagbabayad ng buwis.
Minaling deklarasyon kasi ang shipments kaya nanggagalaiti sa galit si Celso sa mga kamote. Ang pangarap ng mga kamoteng ipuslit ang mga epektos ay binulilyaso ni Celso. Galing mo talaga, DepCom! Ika nga, hinuli ang secret shipments. He-he-he!
Ang senaryo ay ilabas ang epektos sa POM siyempre gakulangot lang ang ibinayad nito sa tax para naman maging maganda ang Pasko ng mga bugok sa bureau na paghahatian ang panggastos na pitsa ni Lina oink-oink.
Ginamit pa ni Lina oink-oink si Vladimir kamote, ang notorius na broker sa Aduana para matiyak na makakalabas ang epektos ng una before Christmas. Ang masama nabuko ni Celso kaya sabit ang puhunan ni Lina oink-oink. Ika nga, Im sorry!
Matindi pala si Lina oink-oink dapat makarating ito sa malakanin este mali Malacañang pala, anang kuwagong personeros.
Dapat, sabi ng kuwagong manghihilot.
Akala kasi ni Lina oink-oink makalulusot ang operasyon nila, sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Paano ngayon ang epektos ni Lina oink- oink? tanong ng kuwa-gong Kotong cop.
Eh di sabit, kamote!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended