^

PSN Opinyon

Sumbong nang sumbong si Supt. Bucsit e may uling din pala siya sa mukha

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MUKHANG nag-lie low ang video karera ni Renel Bernardo sa kaharian ni Cainta Mayor Mon Ilagan nitong nagdaang mga araw. Subalit ang pumalit naman ay ang peryahan ni alyas Esti na matatagpuan sa harap ng Greenland Subdivision. Kaya kung limitado na ang operation ng video karera ni Renel Bernardo, nagugumon pa rin sa sugal ang taga-Cainta dahil sa mga number at color games sa peryahan ni Esti, di ba mga suki.

At habang patuloy ang operation ni Esti at video karera ni Bernardo, puwede kong sabihin na hindi trabaho kundi pagkakaperahan ang nasa utak ni Supt. Pierre Bucsit, ang bagong hepe ng Cainta police. Kasi hanggang sa ngayon, hindi pa malutas-lutas ni Bucsit ang mga kasong dinatnan niya sa bayan ni Ilagan at imbes nagsulputan naman doon ang mga pasugalan. At kung tumaas man ang crime rate sa Cainta, walang pakialam si Bucsit basta magkalaman lang ang bulsa niya dahil nakasandal siya sa pader ng padrino niyang si Antipolo City Rep. Ronaldo Puno. Teka nga pala. Bakit hanggang sa ngayon, tahimik si Puno sa pagpasabog ng Enlightened Warriors sa van niya sa Quezon City? Hanggang kailan kaya mananalasa si Bucsit sa kapwa opisyal niya? Panay siya sumbong samantalang may uling din pala siya sa mukha, di ba mga suki? He-he-he! Weather-weather lang ’yan!

Kung si Esti ang financier ng peryahan sa Cainta, ang tumatayo naman niyang booker ay si Alyas Edna. O hayan, Mayor Ilagan Sir, puwede mo na silang habulin. Ipasara mo ang number at color games sa peryahan ni Esti para hindi malulong sa sugal ang mga constituents mo at mawala na rin ang suspetsa na nakikinabang ang opisina mo. Teka nga pala, bakit hindi kumikilos si Sr. Supt. Freddie Panen, ang hepe ng Rizal provincial command sa video karera ni Bernardo at peryahan ni Esti? Maliwanag na hindi kayang supilin ni Panen, si Bucsit, di ba Sir Felix, ang PESPO ng Rizal PNP?

Kung sabagay, hindi lang sa Cainta may peryahan. Ayon sa isang suki ko, nagkalat ang peryahan sa ngayon sa Rizal at mukhang tinatamad si Panen na ikumpas ang kamay na bakal niya at baka mawalan ng laman ang kanyang bulsa. Para sa kaalaman ni Panen ang mga peryahan ay sa Barangay Muzon at Taytay na ang may-ari ay ang isang alyas Myrna; sa Binango-nan naman ay si alyas Allan ang financier, at meron din sa Teresa at Angono, na hindi pa nakikilala ng aking suki ang mga may-ari. Kung bulag sa problema ng perya sina Panen at ang intelligence officer niya na si Supt. Joel Garcia, tiyak may alam diyan si Sir Felix, di ba mga suki? Kung masakit ang kamay ni Panen para ikumpas laban sa video karera at perya, bakit kaya niya itong iwagayway sa mga prayer meeting ni Bro. Mike Velarde? Baka ang idahilan ni Panen, wala namang sapat na pondo ang PNP para sa operations nila kaya’t sa video karera ni Bernardo at peryahan siya kumukuha. At hindi rin dapat sa pulis lang ang sisi dito sa nagkalat na pasugalan sa Rizal kundi maging sa local government official man, kabilang na rito si Mayor Ilagan, di ba mga suki? May kasunod ito Sir Felix.

Abangan!

BERNARDO

BUCSIT

CAINTA

ESTI

PANEN

PERYAHAN

RIZAL

SIR FELIX

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with