^

PSN Opinyon

Kapabayaan sa pagno-notaryo

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
NOONG December 1991, nagpunta sa law office ang mag-asawang Ben at Edit upang mapanotaryohan ang Deed of Sale ng nabili nilang lupa. Matapos mapirmahan, matatakan at maitala ito sa notarial register ni Atty. Hermosa, umuwi na ang mag-asawa.

Subalit makalipas ang anim na taon, kinasuhan ang mag-asawa ng estafa through falsification of public document tungkol sa pagmamay-ari sa nasabing lupa. Sa paglilitis ng kaso, isinumite ng kanilang kalaban ang sinumpaang salaysay ni Atty. Hermosa kung saan itinatanggi nito ang pirma sa nasabing Deed of Sale at inakusahan ang mag-asawa sa pagpalsipika ng kanyang pirma.

Dahil sa nangyari, nagsampa ng reklamo ang mag-asawa laban kay Atty. Hermosa ng serious misconduct and dishonesty for breach of lawyer’s oath and notarial law. Iginiit nilang hindi nila magagawang palsipikahin ang pirma ni Atty. Hermosa dahil wala silang paraan para kunin ang notarial register at notarial seal nito. Wala rin daw silang kaalaman sa pagnonotaryo. Samantala, inamin ni Atty. Hermosa na naging junior lawyer siya ng nasabing law office at isa sa mga notary public nito. Ipinaliwanag din niyang naging kalakaran na sa opisina na bago niya notaryohan ang mga dokumento, susuriin muna at aaprubahan ito ng kanilang senior lawyers. At minsan daw ay ang mga sekretarya ang naglalagay ng dry seal. Subalit kapag sa kanya nagpapanotaryo, hinihingi naman niya ang mga sedula nito kaya dapat ay maaalala niya kung talagang siya ang nagnotaryo ng Deed of Sale ng mag-asawa. Sinabi rin ni Atty. Hermosa na nagbabakasyon siya noong December 27, 1991, araw na manotaryohan ang kasulatan. Kaya hinala niya’y pumayag ang mga senior lawyers na mapilit ng mag-asawa ang sekretarya upang manotaryohan ang kasulatan. Siya raw ay biktima ng isang pinagplanuhang krimen ng kasakiman ng ilang tao.

Ngunit ayon sa naging imbestigasyon ng Integrated Bar of the Philippines (IBP), kahit na iba nga ang pirma sa kasulatan sa totoong pirma ni Atty. Hermosa, siya pa rin ay nagpabaya bilang notary public dahil pumayag siya na ang sekratarya ang gumawa ng kanyang mga tungkulin pati na ang pag-iingat sa notarial dry seal at notarial register. Tama ba ang IBP?

TAMA.
Si Atty. Hermosa ay nagpabaya sa kanyang tungkulin bilang notary public. Nang ipagkatiwala niya ang pagnonotaryo ng mga dokumento sa sekretarya, hindi niya naisip na maaaring pati ang pirma niya ay gayahin na rin ng sekretarya o ng iba pang tao. Walang pag-iingat si Atty. Hermosa sa kanyang mga tungkulin kaya, siya ay nasuspinde ng dalawang taon, o kung hindi na siya notary public, hindi na siya maaari maatasang muli sa loob ng dalawang taon kalakip ang babalang mas mahigpit na parusa ang ipapataw sa kanya kapag muli siyang nagpabaya (Spouses Benjamin and Editha Santuyo vs. Atty. Edwin A. Hidalgo, A.C. No. 5838, January 17, 2005).

ATTY

DEED OF SALE

EDWIN A

HERMOSA

INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES

MAG

NIYA

SI ATTY

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with