^

PSN Opinyon

May pera sa kolorum sa Quezon

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NATUTUWA sa galak ang mga kuwago ng ORA MISMO, kasi isinilang na ang anak nina Boyet Heramis, photog ng Saksi Ngayon at Mary Cris Aligato, noong December 17. Bebot ang kauna-unahang anak nina Boyet at Mary Cris. Mary Nicole ang pangalan ng bata.

Hindi pa masabi ni Boyet kung kailan ang binyag ng kanyang nak-a pero sina Loy Caliwan, ng Balita at commentator ng DZAR radio, Jerry Yap, NPC Director at panggulo este mali Pangulo pala ng NAIA Press Corps ang iniisip niyang kunin ninong at Itchie Cabayan at Rudolfa Genteroy ang mga ninang. Sana lumigaya kayong mag-ama sa mundong ibabaw. Mabuhay kayo!

Ang isyu, malaking pitsa pala ang inilalagay ng mga kolorum sa mga bugok na tauhan ng Land Transportation Office at ng PNP-Traffic Management Group kasi nagsulputan na parang kabute ang mga ito na bumibiyahe sa rutang Candelaria, Quezon going to San Juan, Batangas.

Nag-iiyakan ang mga lehitimong transport operators dahil matagal na silang nagre-reklamo sa concerned transportation agencies sa Quezon province pero up to now alaws aksyon. Ika nga, nagte-tengang kawali! Magkano kaya ang usapan? Ito ang dapat imbestigahan. Dehado sa laban ang mga franchised holder transport operators kung tutuusin dahil mistulang mga hari sa kalye ang mga kolorum na jeepneys sa Candelaria, Quezon.

Matindi ang nangyayari sa mga legitimate transport operators plus their drivers kasi ginigipit sila ng mga kolorum owners dito kapag dumadaan na sila sa kandila este mali Candelaria pala.

Binabato ang kanilang mga sasakyan o dili kaya pinapako ang kanilang mga tires para nga naman maabala sila sa biyahe at dehins kumita nang maayos.

Halos 50 ang kolorum na namamayagpag todits at siyempre dumarami pa.

Kaya tinatawagan ko ng pansin ang mga tauhan ng gobyerno sa Quezon tulad nina PNP-TMG P. Col. Antonio malatuba este mali Manuba pala at LTO Flying saucer este mali Squad pala Sofronio Alves Sr. na aksyunan ninyo ang sumbong ng mga lihitimong drivers ng sasakyan at imbestigahan kung sinu-sino ang nakikinabang sa pitsa regarding kolorum issue.

‘‘Bakit dumami ang kolorum sa Candelaria, Quezon?’’ tanong ng kuwagong barker.

‘‘Baka may tsapit para sa mga bugok kaya dumami,’’ sagot ng kuwagong maglalako ng kulambo.

‘‘Delikado ang mga sakay sa kolorum kapag nadisgrasya sila?’’ nanggagalaiting sabi ng kuwagong tamad sa pamamasada.

‘‘Diyan korek ka kamote pero kung may pitsa ang mga bugok ok lang sa kanila dahil may pakinabang ang mga gago.’’

‘‘Ganoon!’’

vuukle comment

BOYET

BOYET HERAMIS

CANDELARIA

ITCHIE CABAYAN

JERRY YAP

KOLORUM

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LOY CALIWAN

QUEZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with