^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Siguruhin ang kaligtasan ng pampasaherong barko

-
MARAMI nang nangyaring trahedya sa barko. Karamihan sa mga trahedya ay naganap ng December. Iba’t iba ang dahilan kung bakit naganap ang malagim na trahedya sa mga pampasaherong barko. Kung hindi lumubog dahil sa malaking alon na dulot ng bagyo, nagbabanggan sila. Kataka-taka kung paano magbabanggaan ang dalawang barko sa isang malawak na dagat. Pero marami nang nangyaring ganyan na nagbuwis nang maraming buhay.

Isang halimbawa ay nang magbanggaan ang MT Vector at MV Doña Paz sa karagatang malapit sa Oriental Mindoro noong Dec. 20, 1987. Ang MT Vector na galing sa Limay, Bataan ay may kargang 8,000 bariles ng langis nang makabanggaan ang MV Doña Paz na tinatayang may mahigit na 4,000 pasahero. Galing ang Doña Paz sa Tacloban City patungong Maynila. Karamihan sa mga pasahero ay magsisilebreyt ng Pasko sa kanilang mga kamag-anak. Maraming batang pasahero.

Nagliyab ang dagat dahil sa tumapong langis mula sa MT Vector. Naging impiyerno ang karagatan. Halos lahat ng pasahero ng Dona Paz ay namatay at 24 lamang ang naiulat na nakaligtas.

Sinasabing sumobra ang dami ng mga pasahero sa Doña Paz at karamihan ay hindi nakalista sa manipesto.

Noong December 2, 1994, bumangga naman ang MV Ferry Cebu City sa isang Singaporean oil tanker at 140 ang namatay. Noong December 13, 1995 nasunog ang Ferry Kimelody Cristy at 17 pasahero ang namatay.

Ang mga iyan ay ilan lamang sa mga naganap na trahedya sa barko at maaaring naiwasan kung naging maingat lamang ang mga nasangkot. Malaki rin naman ang papel ng mga awtoridad kung paano maiiwasan ang mga aksedente sa karagatan. Mababanggit dito ang miyembro ng coast guard at ang Marina na nagsasagawa ng pag-inspection sa mga bumibiyaheng barko. Ang gawain ng mga coast guards ay icertify ang isang barko kung ligtas ba itong bumiyahe at hindi overloaded. Ayon sa report, ang Doña Paz ay sobrang dami ng pasahero.

Marami nang pangyayari kuing saan sunud-sunod ang trahedya sa barko. Gampanan ng mga awtoridad ang kanilang tungkulin para masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero. Hindi na dapat maulit ang trahedya na gaya ng Doña Paz.

BARKO

DONA PAZ

FERRY CEBU CITY

FERRY KIMELODY CRISTY

KARAMIHAN

NOONG DECEMBER

ORIENTAL MINDORO

PASAHERO

PAZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with