Pagkat itoy birthday ng Poong Dakila;
Sa araw na ito ay iwaksi sana
Di pagkakasundo ng mga pamilya!
Higit sa pamilyay itong buong mundo
Sanay mapayapa sa araw ng Pasko;
Taong walang dyos saka maka-Kristo
Magkaisa at magyakap bilang mga tao!
At sana sa Paskoy tanging pangarapin
Ng mayamay dukha - dakilang mithiin;
Mga kabataay mag-ugnay damdamin
Ang bayay iangat saka paunlarin!
Dapat ding sa Pasko lahat ay masigla
Mayamat mahirap dapat magkasama;
Mga kapus-palad ay tulungan sana
Ng mga mayroon at mga maykaya!
Ngayong Paskoy dapat pa ring magtulungan
Mga pulitikot itong sambayanan;
Ang mga pagkontra ay dapat iwasan
Upang maka-angat ating kabuhayan!
Marapat ding tayo ay maging matipid
Sa paggamit ng kuryente saka tubig;
Kung gagawin ito bansa ay tahimik
Lahat sasagana - wala ring ligalig!
Ang rally at gulo di na makikita
Sa Maynila, sa Makati at sa Edsa;
Paskoy igagalang ng NPA, terorista
Tahimik at masagana ating Noche Buena!
Kung ang bansa ay tahimik ngayong Pasko
Masayang-masaya tayong Pilipino;
Ang mga problemang balikat ng mundo
Sa kaunting langis - masaya na tayo!