^

PSN Opinyon

‘Mangyari ang iyong kalooban’

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
NGAYON ang Ikaapat na Linggo ng Adbiyento -— ang huling linggo ng paghahanda para sa paggunita ng pagdating at kapanganakan ni Jesus. At ang Ebanghelyo para sa araw na ito ay pagbabalik-tanaw sa pagtalima ni Maria sa kalooban ng Diyos (Lukas 1:26-38).

Nang ikaanim na buwan na ng pagdadalantao ni Elisabet, si Anghel Gabriel ay sinugo ng Diyos sa Nazaret, Galilea, sa isang dalaga na ang pangala’y Maria. Siya’y nakatakdang ikasal kay Jose, isang lalaki buhat sa lipi ni Haring David. Paglapit ng anghel sa kinaroroonan ng dalaga, binati niya ito "Matuwa ka! Ikaw ay kalugud-lugod sa Diyos," sabi niya. "Sumasaiyo ang Panginoon!" Nagulumihanan si Maria sa gayong pangungusap, at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan niyon. Kaya’t sinabi sa kanya ng anghel, "Huwag kang matakot, Maria, sapagkat kinalulugdan ka ng Diyos. Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki, at siya’y tatawagin mong Jesus. Magiging dakila siya, at tatawaging Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David. Maghahari siya sa angkan ni Jacob magpakailanman, at ang kanyang paghahari ay walang hanggan."

"Paanong mangyayari ito, gayong ako’y dalaga?" tanong ni Maria. Sumagot ang anghel, "Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan. Kaya’t banal ang ipanganganak mo at tatawaging Anak ng Diyos. Natatandaan mo ang iyong kamag-anak na si Elisabet? Alam ng lahat na siya’y baog, ngunit naglihi siya sa kabila ng kanyang katandaan. At ngayo’y ikaanim na buwan na ng kanyang pagdadalantao —- sapagkat walang hindi mapangyayari ang Diyos."


Sumagot si Maria, "Ako’y alipin ng Panginoon. Mangyari sa akin ang iyong sinabi." Umalis na ang anghel.

Dahilan sa pagsunod ni Maria sa kalooban ng Ama, ang Anak ng Diyos na si Jesus ay naging tao. Ito ang sinasabing pinakamahalagang disisyon ng isang tao sa kasaysayan ng sanlibutan. Ganoon kahalaga ang papel ni Maria sa katubusan at kaligtasan ng tao. At ganoon din ang pagpapahalaga ng Diyos sa malayang kapasyahan ng tao.

ANAK

ANGHEL GABRIEL

DIYOS

ELISABET

ESPIRITU SANTO

HARING DAVID

IKAW

KATAAS

MARIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with