Noong nakaraang taon ay natalakay ko na ang topic na ito. Pero dahil sa sulat-kahilingan ng reader, muli ko itong uulitin.
Tayong lahat ay kinakabagan. Maaaring maalis ang kabag sa pamamagitan ng pagdighay o pag-utot. Kinakabagan tayo dahil sa pag-increased ng bacteria na nasa undigested carbohydrates at proteins. Pero ang kabag ay maaari ring maging sintomas ng iba pang kondisyon kagaya ng chronic constipation o chronic ulcer. May mga taong madaling kabagan at merong hindi.
Ilang mabuting paraan para maiwasan ang kabag ay ang mga sumusunod: Umiwas kumain ng heavy meals, kumain lamang nang marahan at huwag masyadong uminom ng mga soda drinks. Makatutulong din para hindi kabagan ang paglalagay ng herbs o spices sa pagkain. Ang mga ito ay makatutulong para madaling ma-digest ang pagkain gaya ng repolyo na karaniwang nagko-cause ng kabag. Sa pagluluto, kailangang fresh water ang gagamitin para ma-reduce ang indigestible sugars na dahilan din ng kabag.
Ang pag-inom ng tea o tsa pagkatapos kumain ay makatutulong para maiwasan ang kabag. Ang tsa ay nakatutulong sa pag-digest ng pagkain. Ang peppermint tea naman ay nare-relax ang mga muscles sa colon at tumutulong para ma-relieve ang kabag.