Share naman kahit konti!!!
December 17, 2005 | 12:00am
NGAYONG panahon ng ka-Paskuhan ay tiyak na grabeng handaan na naman ang gagawin natin. May office party, may family reunion at higit sa lahat may Noche Buena at Medya Noche.
Bagamat talagang mahirap ang buhay ay hindi pa rin maaalis ng karamihan sa atin ang maghanda. Iba nga ipangungutang o iba naman ay lalaspagin ang bonus at bahala na para sa darating na taon.
Sana nga lang ay medyo hinay-hinay lang sa mga handa dahil tandaan natin na kahit paano ay maraming taba at cholesterol sa mga nakahain sa mesa at masama ho ito sa mga puso natin. Ingat-ingat lang ho at nang makaranas pa tayo nang maraming Pasko at Bagong Taon.
Anyway, marami pa rin ho ang mas nakaaangat ng konti sa mga kababayan natin na hindi lang ho walang panghanda ngayong panahon ng ka-Paskuhan kung hindi hinahanap pa ang kakainin sa pang-araw-araw.
Totoo po yan, napakarami nating mga kababayan na nakatira na lang sa mga bangketa at ni walang sapin kahit karton ang kanilang hinihigaan. Wala rin po silang bubong na masisilungan.
Karamihan ho riyan ay mga kababayan nating napilitang lumikas mula sa probinsiya at dahil wala man lang lupang maararo o mapagtaniman. Wala na rin silang makitang trabaho kaya naengganyo sa mga magagandang kuwento tungkol sa ka-Maynilaan at nagbakasakali.
Nakatira sila sa kalye, sa kariton, sa tabing ilog, sa ilalim ng tulay, sa ilalim ng ilang puno at meron nga ay nagkakasya ang mga anak sa loob ng kulungan ng mga manok na pangsabong.
Parang hindi na ho sila tao. Hindi na humane ang existence nila.
Ganyan ho ang kahirapan na ng ating mga kababayan. Sobra na po ang hirap na inaabot nila. Mga anak at apo nila yung mga nakikita nating nanlilimos sa kalye, nagtitinda ng sampaguita, nangangatok sa bahay-bahay para humingi ng limang piso kapalit ng pagtatapon ng basura, magpunas ng salamin ng kotse, magpunas ng sapatos ng mga pasahero sa jeep, pangangaroling at iba pang uri ng pagkakakitaan kahit konti upang may pambili man lang ng pagkain sa araw na yon.
Walang katotohanan na kasalanan nila dahil sila ay mga tamad. Umabot lang sa puntong mas hirap sila dahil talagang wala na silang makitang trabaho kahit maliit lang ang suweldo. Iba nga nagtitinda ng kung anu-ano sa kalye pero halos walang bumili dahil din nga sa hirap din ang mga kababayan natin.
Sa mga mas nakaaangat, yung mga may bonus, 13 month pay at konting extra na pambibili lang ho ng alak o kayay sigarilyo o paputok, baka naman puwedeng mag-share tayo ng konti.
Sa mga kaya namang maghain ng litson at mamahaling pagkain, uminom ng mamahaling alak at magsindi ng imported na paputok, baka naman puwedeng bawasan na lang ngayon at ipamigay muna sa ating mga kababayang kapuspalad. Tutal masama ho sa katawan natin ang masyadong matabang pagkain, alak at ang paputok o pailaw ay gumagawa lang ng mas matinding pollution sa atin.
Suggestion lang ho kung maaari, gayahin nyo ho ang isang kababayan natin na ang ginagawa ho ay binabawasan ang handa sa mesa at pamimili ng pack na juice, tinapay, biscuit at kendi at pinamimigay sa bisperas ng Pasko at Bagong Taon.
Katwiran niya, puro tiyan ang ating binubusog at nakakasama naman daw sa katawan ang sobrang pagkain kaya bakit daw hindi niya busugin ang kanyang puso dahil tumataba raw ang puso niya sa ganung gawain at tunay na masaya siya.
Noong nakaraang taon ay sumama ako sa kanya at tunay namang nakaiiyak sa tuwa ang makatulong sa kapwa. Tumulong lang akong mamahagi, siya po ang bumili ng lahat. Masarap ho talaga ang pakiramdam.
What more kung galing talaga sa atin. Konti lang ho ito at uubusin naman natin sa isang iglap, bakit hindi ho tayo mag-share kahit konti. Paniwalaan nyo ako, mga kababayan, iba ang pakiramdam.
Remember, share kahit konti. Bagamat hindi tayo mayaman nakaaangat tayo ng konti at huwag nating ipagmaramot ang biyaya natin mula sa Diyos. Let us Count Our Blessings and learn to share the Grace of God.
Ang College of Management and Entrepreneurship ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga tauhan ng gobyerno na magkaroon ng bachelors degree sa Public Administration sa pamamagitan ng kanilang pang-isang taong Bachelors in Public Administration Off Campus Program.
Bukas para sa lahat ng kawani ng gobyerno na may minimum na dalawang taong panunungkulan sa pamahalaan at tapos na ng high school. Kailangan din maipasa ang qualifying exams na gagawin sa PML CME.
Para sa karagdagang impormasyon, tawag lang kayo sa PML at tandaan, education is a never ending process. Mabuhay ang PLM sa magandang proyekto nila.
Para sa anumang reaksyon o kumento, text lang o e mail sa [email protected] o [email protected] o mag text sa 09272654341.
Bagamat talagang mahirap ang buhay ay hindi pa rin maaalis ng karamihan sa atin ang maghanda. Iba nga ipangungutang o iba naman ay lalaspagin ang bonus at bahala na para sa darating na taon.
Sana nga lang ay medyo hinay-hinay lang sa mga handa dahil tandaan natin na kahit paano ay maraming taba at cholesterol sa mga nakahain sa mesa at masama ho ito sa mga puso natin. Ingat-ingat lang ho at nang makaranas pa tayo nang maraming Pasko at Bagong Taon.
Anyway, marami pa rin ho ang mas nakaaangat ng konti sa mga kababayan natin na hindi lang ho walang panghanda ngayong panahon ng ka-Paskuhan kung hindi hinahanap pa ang kakainin sa pang-araw-araw.
Totoo po yan, napakarami nating mga kababayan na nakatira na lang sa mga bangketa at ni walang sapin kahit karton ang kanilang hinihigaan. Wala rin po silang bubong na masisilungan.
Karamihan ho riyan ay mga kababayan nating napilitang lumikas mula sa probinsiya at dahil wala man lang lupang maararo o mapagtaniman. Wala na rin silang makitang trabaho kaya naengganyo sa mga magagandang kuwento tungkol sa ka-Maynilaan at nagbakasakali.
Nakatira sila sa kalye, sa kariton, sa tabing ilog, sa ilalim ng tulay, sa ilalim ng ilang puno at meron nga ay nagkakasya ang mga anak sa loob ng kulungan ng mga manok na pangsabong.
Parang hindi na ho sila tao. Hindi na humane ang existence nila.
Ganyan ho ang kahirapan na ng ating mga kababayan. Sobra na po ang hirap na inaabot nila. Mga anak at apo nila yung mga nakikita nating nanlilimos sa kalye, nagtitinda ng sampaguita, nangangatok sa bahay-bahay para humingi ng limang piso kapalit ng pagtatapon ng basura, magpunas ng salamin ng kotse, magpunas ng sapatos ng mga pasahero sa jeep, pangangaroling at iba pang uri ng pagkakakitaan kahit konti upang may pambili man lang ng pagkain sa araw na yon.
Walang katotohanan na kasalanan nila dahil sila ay mga tamad. Umabot lang sa puntong mas hirap sila dahil talagang wala na silang makitang trabaho kahit maliit lang ang suweldo. Iba nga nagtitinda ng kung anu-ano sa kalye pero halos walang bumili dahil din nga sa hirap din ang mga kababayan natin.
Sa mga mas nakaaangat, yung mga may bonus, 13 month pay at konting extra na pambibili lang ho ng alak o kayay sigarilyo o paputok, baka naman puwedeng mag-share tayo ng konti.
Sa mga kaya namang maghain ng litson at mamahaling pagkain, uminom ng mamahaling alak at magsindi ng imported na paputok, baka naman puwedeng bawasan na lang ngayon at ipamigay muna sa ating mga kababayang kapuspalad. Tutal masama ho sa katawan natin ang masyadong matabang pagkain, alak at ang paputok o pailaw ay gumagawa lang ng mas matinding pollution sa atin.
Suggestion lang ho kung maaari, gayahin nyo ho ang isang kababayan natin na ang ginagawa ho ay binabawasan ang handa sa mesa at pamimili ng pack na juice, tinapay, biscuit at kendi at pinamimigay sa bisperas ng Pasko at Bagong Taon.
Katwiran niya, puro tiyan ang ating binubusog at nakakasama naman daw sa katawan ang sobrang pagkain kaya bakit daw hindi niya busugin ang kanyang puso dahil tumataba raw ang puso niya sa ganung gawain at tunay na masaya siya.
Noong nakaraang taon ay sumama ako sa kanya at tunay namang nakaiiyak sa tuwa ang makatulong sa kapwa. Tumulong lang akong mamahagi, siya po ang bumili ng lahat. Masarap ho talaga ang pakiramdam.
What more kung galing talaga sa atin. Konti lang ho ito at uubusin naman natin sa isang iglap, bakit hindi ho tayo mag-share kahit konti. Paniwalaan nyo ako, mga kababayan, iba ang pakiramdam.
Remember, share kahit konti. Bagamat hindi tayo mayaman nakaaangat tayo ng konti at huwag nating ipagmaramot ang biyaya natin mula sa Diyos. Let us Count Our Blessings and learn to share the Grace of God.
Bukas para sa lahat ng kawani ng gobyerno na may minimum na dalawang taong panunungkulan sa pamahalaan at tapos na ng high school. Kailangan din maipasa ang qualifying exams na gagawin sa PML CME.
Para sa karagdagang impormasyon, tawag lang kayo sa PML at tandaan, education is a never ending process. Mabuhay ang PLM sa magandang proyekto nila.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended