Nagtataka nga ako kung bakit ang tungkol kay Garci ang nauunang pinagpipiyestahan samantalang ang seguridad ng bansa ang napapabayaan.
Nang pumutok ang "Hello Garci", matinding pulitikahan ang nangyari. Pinag-reresign si Mrs. Arroyo. Pati ang 10 miyembro ng kanyang Cabinet ay nagsipag-resign. Hindi naman na-impeach si Mrs. Arroyo.
Ang naging sentro ng pulitikahan ay ang tungkol sa "Garci tapes" at hindi ang tungkol sa kung sino ang nasa likod ng wiretapping. Hanggang sa ngayon ay wala man lamang na imbestigasyon tungkol sa nagplano sa nasabing wiretapping.
Naguguluhan ako sa kaso ni Garci. Iniimbestigahan na siya ng mga tusong congressmen at mga senador pero nakikita kong kayangkaya silang paglaruan ni Garci. Ewan ko kung gaano ka-desidido ang mga naghahabol kay Garci. Ang nasisiguro ko magpapaikut-ikot lamang sila at sa wala rin hahantong ang lahat.
Para sa akin, huwag nang mag-aksaya ng panahon sa kasong ito. Hindi rin naman malalaman kung sino ang mastermind ng wiretapping.