^

PSN Opinyon

Tigilan na ang ‘Hello Garci’!

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
MAY katwiran sina Senate President Franklin Drilon at Sen. Joker Arroyo na mainis na nang tuluyan sa pagwawalambahala ng military na malaman kung sino ang nag-utos na ma-wiretap ang telephone conversation nina President Gloria Macapagal-Arroyo at dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano. Sinabi ng dalawang senador na sa bagal ng military sa kaso, maaaring maapektuhan ang budget ng AFP at ang confirmation appointment ni AFP chief of Staff Gen. Generoso Senga.

Nagtataka nga ako kung bakit ang tungkol kay Garci ang nauunang pinagpipiyestahan samantalang ang seguridad ng bansa ang napapabayaan.

Nang pumutok ang "Hello Garci", matinding pulitikahan ang nangyari. Pinag-reresign si Mrs. Arroyo. Pati ang 10 miyembro ng kanyang Cabinet ay nagsipag-resign. Hindi naman na-impeach si Mrs. Arroyo.

Ang naging sentro ng pulitikahan ay ang tungkol sa "Garci tapes" at hindi ang tungkol sa kung sino ang nasa likod ng wiretapping. Hanggang sa ngayon ay wala man lamang na imbestigasyon tungkol sa nagplano sa nasabing wiretapping.

Naguguluhan ako sa kaso ni Garci. Iniimbestigahan na siya ng mga tusong congressmen at mga senador pero nakikita kong kayang—kaya silang paglaruan ni Garci. Ewan ko kung gaano ka-desidido ang mga naghahabol kay Garci. Ang nasisiguro ko magpapaikut-ikot lamang sila at sa wala rin hahantong ang lahat.

Para sa akin, huwag nang mag-aksaya ng panahon sa kasong ito. Hindi rin naman malalaman kung sino ang mastermind ng wiretapping.

COMELEC COMMISSIONER VIRGILIO GARCILLANO

DRILON

EWAN

GARCI

GENEROSO SENGA

HELLO GARCI

JOKER ARROYO

MRS. ARROYO

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

STAFF GEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with