Love story sa likod ng 23rd SEAGames
December 16, 2005 | 12:00am
"O PAG-IBIG na lubhang makapangyarihan, nasok sa puso ninoman kahit saan." Yang paraphrase ng linya mula kay Balagtas ay naganap nga sa likod ng tagisan sa 23rd Southeast Asian Games sa Maynila. Itsi-tsismis ko:
Si Albert ay Philippine Army officer na nag-official sa athletics. Tungkulin niya nung Games na tiyakin ang pangalan, inspeksiyunin ang spike shoes, at ihatid sa starting line ang mga manlalaro ng ibat-ibang bansa na lalaban sa event. Day 1 ng Games, tinawag ni Albert si Vo Thi Huong, star sprinter ng Vietnam sa womens dash. Nang magsalubong ang kanilang mga mata, tinamaan sila ng pana ni Cupido: Tumibok ang mga puso na parang iisa.
Ingles at Tagalog lang ang salita ni Albert, Vietnamese lang si Vo, pero sa kilos at tinginan lang, nagkakaintindihan na. Day 3, tumakbo si Vo sa 100-meter dash. Nilingon muna niya si Albert, na nag-flying kiss. Gold medal si Vo! Day 4, pumuwesto si Albert sa finish line ng 200-meter dash at 2,500-meter relay. Naka-medal na naman! Sinabi ng Vietnamese coach na inalay ni Vo kay Albert ang pagsisikap sa track and field.
Day 5, huling gabi ng Vietnamese team, nagpaalam si Albert sa coach na i-date si Vo; hindi pumayag. Pumuslit na lang si Albert sa hotel room ni Vo at naghatid ng bulaklak. Nagyapos, naghalikan sila. Nagalit ang coach at pinalayas si Albert.
Day 6, nag-abang si Albert sa NAIA-1 sa pag-alis ni Vo. Dumating ang bus ng Vietnam, pero hindi sakay si Vo. Sabi ng coach, nasa unang batch ng mga lumipad. Sayang, naisip ni Albert, tapos napansing hinarang ang Vietnamese team sa airport entrance. PAL flight pala sila, kaya dapat sa NAIA-2. Naku, kagulo sila dahil umalis na ang bus at naibaba na ang mga maletat gamit nila. Pasok si Albert at naghanap ng bus na magdadala sa team sa kabilang terminal. Saved by the bell.
Nang mahatid ang team sa tamang airport, niyakap dalawang beses si Albert at sinabihang napagandang-loob niya. At dahil dun inimbitahan niyang ligawan si Vo sa Vietnam, sagot na niya ang hotel at pagkain kung dadalaw. At nagpaplano nga si Albert na hingin ang kamay ni Vo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended