Simbang Gabi
December 14, 2005 | 12:00am
SA Biyernes ay simula na ng Simbang Gabi! Siyam na misa sa madaling-araw ang gagawin. Ang simbang gabi na tinatawag ding Misa de gallo ay nagsimula sa Mexico at itoy dinala sa Pilipinas ng mga Kastila.
Nagsisimula ang Simbang Gabi ng alas-kuwatro ng umaga. Ang iba naman ay alas-5 ng umaga at may ginaganap na ngayong anticipated Simbang Gabi. Naging tradisyon na pagkatapos ng misa ay nag-aalmusal ang mga deboto sa maliliit na tindahan sa labas ng simbahan. Paborito ang puto bumbong, bibingka, suman, kutsinta at iba pang kakanin sabay ang pag-inom ng mainit na kape o salabat.
Aliw na aliw ang mga nagsisimbang gabi na magtungo sa Policarpio, Mandaluyong City para tunghayan ang mala-Disney land na ginagayakan ng malalaki at nagniningning na mga parol, belen at iba pang pahiyas na pamasko. Ang Christmas spectacle na ito ay sinimulan ng pamilya ni Norma Lim na may-ari ng PVL restaurant. Inamin ni Norma Lim na sa taong ito ay hindi magarbo ang palabas nila gaya noong mga nakalipas na Pasko, dahil sa panahon ng taghirap ngayon pero hangad ng kanilang pamilya na maaliw ang marami lalo na ang mga bata.
Dinarayo ang Policarpio hindi lang ng mga taga-Metro Manila kundi maging buhat sa ibat ibang lalawigan. Taun-taon ay nakikitang nakikipagsaya sa Pasko sa Policarpio sila Susan Roces na kasama ang kanyang yumaong asawang si FPJ, ang pamilya ni Dr. Tranquilino Elicaño at siyempre ang best friend kong si Direk Willie Schneider, na kasama ang dalawa niyang maliliit na apo na sina Zedric at Zavier na tuwang-tuwa sa mga nakikita nilang Christmas display. Gusto kong batiin ang mga kaibigan kong nagdiriwang ng kaarawan sa Biyernes gaya nila Gloria Romero, Aiko Melendez at Irene Diaz Castillo. Happy Birthday and Merry Christmas.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended