^

PSN Opinyon

Sindikatong nagbebenta ng kalsada gumagala na!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MAG-INGAT sa sindikatong nagbebenta ng kalsada. Maaring sa unang tingin ay nakakatawa ito, subalit ang sindikato ay armado ng authentic transfer certificate of title na kung hindi busisiing maigi ay lilipad ang milyon mo. Ang tanong sa ngayon ay bakit naiisyuhan ng TCT ang kalsada na daraanan ng tao? Kaya dapat maimbestigahan ito ng gobyerno bago makapambiktima pa ang grupo ng inosenteng Pinoy. Kaya ang paalala ko sa mga gustong bumili ng lupa, rebisahin n’yong maigi ang mga papeles na inialok sa inyo at baka kayo na ang kasunod na biktima ng sindikato, na gumagala ngayon sa Metro Manila at karatig na lugar. Bago magbayaran, dapat siguruhin muna sa mga ahensiya ng gobyerno na walang semplang ang papeles na hawak mo ng sa gayon hindi kalsada ang binibili mo. He-he-he! Bagong raket ito ah, di ba mga suki?

Isang suki ng colum na ito, si Jimmy Chan ang nabiktima na ng sindikato at hindi niya alam kung maibaballik pa ang pera niya. Ayon kay Chan, naingganyo siya na magbigay ng P300,000 sa sindikato ng nakaraang Pebrero 2 upang mapaayos umano ang titulo ng lupa sa Tanza, Cavite na pag-aari ng isang Remedios Dayrit. Maganda kasi ang itinuturong lupa ng mga ahente. At upang lalong maglaway siya, nag-isyu pa ang sindikato sa kanya ng GMA bank check na P500,000 kasama na rito ang tubo ng pera niya sa loob ng isang buwan. Mukhang naghangad din ng kagitna si Chan, di ba mga suki? Sa sobra kasing laki ng kikitain, mabilis siyang naglabas ng pera, kaya gan’un din kabilis siyang nagoyo.

Nag-umpisa ang delubyo ni Chan nang makiusap sa kanya si Dayrit at kasamang si Carmencita Calapiao na huwag munang ideposito ang inisyu nilang tseke noong Marso 2 dahil wala pa umano silang available na pera.

Makalipas ang isang buwan, panay pangako pa rin ang natatanggap ni Chan sa dalawa. Nang matantiyang niloloko lamang siya nina Dayrit at Calapiao, idiniposito ni Chan noong Abril 25 ang GMA check at nagkatotoo ang hinala niya ng bumalik ito sa kanya dahil account closed na ito. Dahil duda na siya, ipinatawag ni Chan sina Dayrit at Calapiao sa kanyang bahay noong Abril 27 para tanungin kung bakit GMA check ang inisyu sa kanya at hindi Peñafrancia check na nakasaad sa promissory note ng dalawa noong Peb. 2 Walang maibigay na maliwanag na kasagutan ang dalawa, at imbes nangako na naman na bigyan pa sila ng hanggang katapusan ng Mayo para maka-raise ng pondo.

Lingid sa kaalaman nina Dayrit at Calapiao, nagsagawa ng imbestigasyon ang kampo ni Chan at doon natuklasan nila na ang GMA check ay hindi pag-aari ni Dayrit kundi ng isang Marcelita Miranda. Natuklasan din na iba ang location ng lupa na tinutukoy ng sindikato sa kanya dahil kalsada pala ang lupang ibinebenta ng sindikato pero may authentic TCT ito. Sa tingin ko, malawak ang koneksiyon nitong sindikato kaya’t dapat kumilos na ang gobyerno para masugpo ang modus operandi nila bago humaba pa ang bilang ng kanilang biktima. Kaya siguro panay ang pangako nina Dayrit at Calapiao kay Chan ay para bigyan sila ng tamang panahon para makapambiktima pa at ng magkaroon sila ng pambayad sa huli. Kaya mga suki, ingat at baka sa pintuan n’yo biglang susulpot sina Dayrit at Calapiao. Abangan!

ABRIL

CALAPIAO

CARMENCITA CALAPIAO

CHAN

DAYRIT

JIMMY CHAN

KAYA

MARCELITA MIRANDA

SINDIKATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with