^

PSN Opinyon

Huwag gawing ‘pasaporte’ ang BITAG sa katarantaduhan!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
MATAAS ang aming respeto sa larangan na aking kinabibilangan, ito ang pagiging miyembro ng media. Kaya ikinahihiya ko ang mga kawatan at mga "bugok na itlog" sa aming hanay.

Hindi namin estilo ang mangunsinti sa mga maituturing na ANAY sa larangang ito. Pinatunayan ito ng aming grupo sa isang dating kasamahan namin kung saan ginamit ang pangalan ng BITAG sa kanyang personal na kapritso.

Dahil dito, kaya kong makipagbasagan ng mukha at harapin ang sinumang gustong gamitin ang BITAG at aking pangalan upang gawing PASAPORTE sa kanilang katarantaduhan.

Tulad nitong "modus" ng mag-anak na JOTA, umano’y nagpapakilalang "cameraman" kuno. Raket daw ng mag-anak na JOTA ang magpakilalang kolektor daw ng BITAG.

Sinusuyod nila ang lahat ng mga pasugalan at peryahan dito sa Kamaynilaan at mga lalawigan. Dala-dala nila sa pangongotong ang isang maliit at "antigong" camera bilang ‘props’ sa kanilang raket.

Alam ng mga hinayupak na ‘to, kapag narinig ang salitang BITAG, tiyak nanginginig sa takot ang kanilang kaharap, lalo na kapag ito’y meron ding bantot na itinatago.

Matapos naming matanggap ang impormasyon at "tips" hinggil sa "raket" nitong mag-anak, sa pamumuno ng kanilang ama na si ROLAND JOTA, agad naming isinagawa ang masusing surveillance operation.

Nakumpirma namin ang garapalang pangongotong ng mga dorobong kawatan na ‘to matapos gamitin ang kanilang "magic word" na BITAG. Dito namin inihanda ang aming patibong.

Nitong Disyembre 10, matagumpay na nahuli sa "entrapment operation" ang isa sa galamay na tumanggap ng inihandang "marked money". Kasama ring nasakote ang anak nitong si Roberto "Obet" Jota.

Hindi matanggap ng matandang JOTA ang pagkakahulog sa BITAG ng kanilang matagalan nang pinagkakakitaan. Kaya mistulang "batang-supot" na umatungal.

Ipinagmalaki raw nito sa mga pulis na mahigit 20-taon na siya bilang "broadcaster" kumpara raw sa BITAG na ilang taon pa lamang daw namamayagpag!

Wala akong balak patulan ang taong katulad nito, ngunit wala sa aking bokabularyo ang umurong sa anumang labanan. Tandaan, kaya kong gawin ang lengguwahe na kaya mong gawin!

Ang ipinagmamalaki mong 20-taon, kaya kong tapusin ‘yun ng 20-segundo kung basagan ng mukha ang pag-uusapan! Sige, humirit ka pa!
* * *
Hotline numbers para sa mga tips o anumang uring katiwalian, i-text (0918) 9346417 o tumawag sa mga numerong ito 932-8919 / 932-5310. Bahala si Tulfo 9:00-10:30 a.m., UNTV 37, simulcast sa DZME 1530 kHz 9-10:00 a.m.

ALAM

BAHALA

BITAG

DAHIL

DALA

DITO

KAYA

NITONG DISYEMBRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with