Maging matiyaga

TAYO ngayo’y nasa Ikatlong Linggo ng Adbiyento. At ang mga pagbasa sa ating liturhiya ay nananawa- gan sa atin na tayo’y magalak, sapagkat paparating na ang Panginoon. Ang buod ng kagalakang ito ay mainam na ipinahayag ni San Pablo sa kanyang unang sulat sa mga taga-Tesalonica na napapaloob sa Ikalawang Pagbasa (1 Tes:5:16-24).

"Magalak kayong lagi; maging matiyaga sa pananalangin. Ipagpasalamat ninyo sa pangalan ni Kristo Jesus ang lahat ng pangyayari, sapagkat yaon ang ibig ng Diyos.

"Huwag ninyong hadlangan ang Espiritu Santo. Huwag ninyong hamakin ang anumang pahayag mula sa Diyos. Suriin ninyo ang lahat ng bagay at pulutin ang mabuti. Lumayo kayo sa lahat ng uri ng kasamaan.

Nawa’y lubusan kayong pabanalin ng Diyos na siyang nagbibigay ng kapayapaan. At nawa’y panatilihin niyang walang kapintasan ang buo ninyong katauhan -— ang espiritu, kaluluwa, at katawan -— hanggang sa pagparito ng ating Panginoong Jesus. Tapat ang tumawag sa inyo, at gagawin niya ang mga bagay na ito."

M
aging matiyaga sa panalangin —- panalangin na may kaakibat na gawa. At tunay nga, hindi patatalo ang Diyos. Ang lahat ng ating kinakailangan, lalo na’t para sa ating ikabubuti, ay parati niyang tinutugunan ayon sa kanyang panahon at kanyang pamamaraan.

Show comments