^

PSN Opinyon

Dalangin para sa bansa

WHAT’S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
HINDI muna ako tatalakay ng usaping medikal ngayon para bigyang-daan ang dalanging ginawa ni Direk Heidi Sison. Ang dalanging ito ay naaangkop sa kasalukuyang nangyayari sa ating bansa.

Maraming salamat po Panginoon sa ibinigay ninyong pagkakataon para malakas kaming makapagpahayag…

Sa pamamagitan nito, nananalangin kami na maging ganap na matapang ang mga Pilipino para gumawa ng mga pagbabago na makapagpapabuti sa kalagayan ng bansa… Maging instrumento nawa kami ng inyong taglay na karunungan…

At ngayong araw na ito… aming ipinahahayag na…

Magkaroon ng
liwanag sa puso ng mga Pilipino habang isinisiwalat nila ang katotohanan…

Magkaroon ng
kamalayan ang bawat isa sa maaari nilang gawin upang mapanatili ang liwanag na ito…

Magkaroon ng
tatag ng loob sa pagharap sa mga hamong dumarating sa bawat araw, bawat minuto at bawat sandali…

Magkaroon ng
karunungan ang lahat ng lider at mga tagasunod sa ating paglalakbay tungo sa kaliwanagan…

Magkaroon ng
tunay na kaayusan at balanse sa pagitan natin at sa bawat isa sa atin…

Magkaroon ng
tunay na mamamayan ng Pilipinas na huwaran ng magandang Pilipino at hindi ang uri ng Pilipino na ipinakikita natin ngayon…

Magkaroon ng
tunay na pag-asa at kalinawan ng pananaw habang naglalakbay tayo tungo sa kinabukasan…

Magkaroon ng
patnubay mula sa Itaas upang tayo ay maging kasangkapan ng Maykapal…

Magkaroon ng
tiyaga at kasinupan sa ating pagtahak sa landas ng kaliwanagan…

Magkaroon ng
pagbibigayan at tapat na pagpapahalaga sa kapwa habang tinutungo natin ang ating kapalaran…

Magkarooon ng
ganap na katapatan sa ating paghahayag sa mga pagbabagong nais nating makita…

Maniwala tayo sa ating kakayahang magawa at maisabuhay ang lahat ng ito… bilang mga anak ng Diyos, bibigyan niya tayo ng mga bagay na kakailanganin natin upang maabot ang ating destinasyon…

May karapatan tayong maging mali-gaya, malusog, puno ng biyaya at may dunong…

Magkaroon sana ng pagkakataong mai-balik sa tamang oras at balanse ang lahat ng mga tahanan, institusyon, himpapawid, mga anyo ng tubig at pag-iisip ng lahat ng mga mamamayan sa Pilipinas…

At mangyayari iyon…

ATING

DIREK HEIDI SISON

DIYOS

ITAAS

MAGKAROON

MAGKAROOON

MANIWALA

PILIPINAS

PILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with