^

PSN Opinyon

Supt. Bucsit napatango na ng VK operator na si Renel Bernardo sa halagang P25,000 weekly

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
NAGYAYABANG si Renel Bernardo, ang vk operator na nakabase sa Pasay City, na pupunuin niya ng makina ang kaharian ni Cainta Mayor Mon Ilagan. Wala na umanong sagabal sa negosyo niya, ani Bernardo, dahil napatango na niya ang bagong hepe ng pulisya na si Supt. Pierre Bucsit sa halagang P25,000 weekly. Wala pang isang buwan si Bucsit sa Cainta, pero kung ang mga tinuran ni Bernardo ang gagawing basehan, mukhang hindi trabaho ang inaatupag niya kundi ang pagkakaperahan. Kung sabagay, sanay sa pera-pera si Bucsit dahil dating inteligence officer siya sa Bicol region noong kasagsagan pa ng jueteng. Kung malakas ng kumpiyansa ni Bernardo, ganun din kaya si Bucsit, na nakasandal sa balikat ni Antipolo Rep. Ronaldo Puno?

Papayag kaya si Mayor Ilagan na dadami ang bilang ng adik at holdaper sa kanyang bayan dahil sa kasakiman ni Bucsit?’’ Kilala ko si Ilagan na isang crusader subalit nagbago kaya ang prinsipyo niya dahil sa dalang pera ni Bernardo? He-he-he! Tingnan natin kung hanggang saan ang tigas ni Bernardo.

Matapos masulot ang puwesto ni Supt. Gilbert Cruz, si Bucsit pala ay may bagong target at ito ay walang iba kundi si Supt. Rolly Anduyan, ang hepe ng CIDG sa Rizal.

Ayon sa kausap ko, si PNP chief Dir. Gen. Arturo Lomibao mismo ang tumawag para sibakin sa puwesto si Anduyan. Tulad kasi ni Cruz, si Anduyan ay dating nagtrabaho rin sa kampo ni Sen. Ping Lacson. Ganyan ang intiende ni Puno sa reconciliation na idinadakdak ni Presidente Arroyo. Kaya pala namamayagpag si Bucsit ay dahil sanggang-diin siya kay Puno. At mukhang ginagawa niyang tandu-tando si Sr. Supt. Freddie Panen, ang hepe naman ng Rizal PNP provincial command.

Masaya kaya si Panen sa pakikialam ni Bucsit sa kanyang kapaligiran? He-he-he! May pangil kaya si Panen laban kay Bernardo? Tiyak wala, di ba mga suki? Hindi pala si Cruz ang unang target ni Bucsit. Inalog din niya at ni Panen si Supt. Primitivo Tabujara, ang hepe ng Antipolo City police su-balit sumemplang sila. Mukhang malakas din ang padrino ni Tabujara, na isang miyembro ng Iglesia ni Jesus, kay Puno dahil nakaupo pa rin siya sa trono niya. Dahil kung anu-anong akusasyon na ang ibinato nina Panen at Bucsit kay Tabujara pero hindi bumitaw sa kanya si Antipolo Mayor Ito Gatlabayan. Hanggang sa ngayon, may away pa sina Panen at Tabujara pero pasasaan ba’t magkabungguan din sila, di ba mga suki?

Ang buong akala kasi ni Bucsit, may ‘‘laman’’ ang siyudad ni Gatlabayan kaya’t pinuntirya niya. Pangalawang option lang pala ni Bucsit ang Cainta at mukhang nadismaya siya dahil wala palang ‘‘laman ang bayan ni Ilagan kaya’t madali siyang napatango kay Bernardo. Ang hindi ko lang maintindihan, dating laban sa lahat si Bucsit, na miyembro ng PMA Class ’83, pero nang makahawak ng pitsa, aba nakalimutan ang ipinaglalaban niya. Kung totoo ang ikinakalat ni Bernardo, hindi accomplishment ang nasa utak ni Bucsit sa ngayon kundi ang magka-pitsa, di ba mga suki? Magiging masaya kaya ang-X-mas nina Ilagan, Bucsit at Panen dahil kay Bernardo? Hanggang kailan nila mabobola si Puno? Abangan!

ANDUYAN

BERNARDO

BUCSIT

DAHIL

ILAGAN

KAYA

NIYA

PANEN

PUNO

TABUJARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with