^

PSN Opinyon

Freddie Gamble ng NAIA – BI

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
(Part 2)
SANGKATERBA, palang mga nilalang ng Diyos ang sinampahan ng kaso ng NBI sa Office of Ombudsman regarding sa great escape ni Zhang Du.

Si Zhang Du, alyas Wilson Zhang ay from People’s Republic of China, isa sa pitong tsekwa na bold este mali involved pala sa pagdukot kay Jackie Tiu sa San Fernando City, La Union noong September 27, 2001. Sabi nga, imported group from China ang kamote!

Inaaksyunan lang ang reklamo ni Jackie nang personal siyang nagtungo sa malakanin este mali Malacañang pala para ikuwento ang sinapit niya sa kamay ng mga intsik beho, tulo laway.

Si Prez Gloria Macapagal-Arroyo mismo ang nagpabulatlat ng kaso ni Jackie kaya lumalim ang investigation todits. Sabi nga, si Madam Prez Gloria ang pumapel!

Matagal ding sinisid ng NBI ang kaso maraming kinalkal kaya naman pinagpawisan sila sa case.

Sa transmittal letter ni NBI-QIC bossing Atty. Nestor Mantaring kay Ma. Merciditas N. Gutierrez, ang Chief Ombudsman ang recommended for prosecution regar- ding sa case ni Xanadu este mali Zhang Du pala ay sina P/Supt. Wendy Garcia Rosario, Acting Chief of Civil Security Unit ng Bureau of Immigration, P/S INSP Noel Campos Espinoza, former acting wardeng BI-Bicutan Detention Center, Atty. Faizal U. Hussin, chief Intelligence Division Bureau of Immigration, Alex Pinon Bolado, contractual hao shiao este mali confidential agent pala ng BI na nakatalaga sa BI-Bicutan Cetnetion Center, Joselito Mati Pagaduan aka Lito, former employee of Bureau of Immigration as hao shiao este mali confidential agent pala. – assigned at BI-Bicutan Detention Center, Allan R. Reyes, nakatalaga sa BI-NAIA, Jayamaha Mudalege Don Keerthi Jamayaha, a.k.a. Keerthi, isang Sri Lankan national at nakakulong sa BI Detention Center sa Taguig Metro Manila, Engelbert Ng Sy, Chinese national, may address sa Parañaque City at Tondo at Wen Yucming a.k.a. Josie, Chinese national, nakatira sa Bacoor Cavite.

Ang crime committed ay paglabag sa Article 171, falsification of public documents, Article 223, (conniving with or consenting to evasion) of the Revised Penal Code as amended, P.D. 1829 (Obstruction of Apprehension and Prosecution of Criminal Offenders) at R.A. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Prac- tices Act).

‘‘Tiyak kalaboso sila kapag napatunayang nagkasala,’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Teka tapos ang espasyo ng Chief Kuwago kaya sa susunod ko ikukuwento ang pangyayari,’’ anang kuwagong Kotong cop.

‘‘Korek ka diyan alaws pa rito ang participation ni Freddie Gamble for command responsibility sa airport.’’

‘‘Hindi ba mayaman si Freddie Gamble?’’

‘‘Sa palagay ko dahil sangkatutak ang nakurakot at pinalusot ng grupo niya sa airport.’’

‘‘Tama ba, Dong?’’

ACTING CHIEF OF CIVIL SECURITY UNIT

ALEX PINON BOLADO

ALLAN R

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRAC

BACOOR CAVITE

BICUTAN CETNETION CENTER

BICUTAN DETENTION CENTER

BUREAU OF IMMIGRATION

FREDDIE GAMBLE

ZHANG DU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with