Nagparatang ang oposisyon. Administrasyon daw mismo ang may kagagawan. Kesyo inilalatag ang isang scenario para mabigyan ng justification ang pagdedeklara ng batas militar. Sabi ni Rep. Imee Marcos, umaariba na ang "Black Army" ng administrasyon. Mga teroristang sinanay sa paghahasik ng lagim para sa isang scenario tungo sa martial law.
Itinanggi ito ng Malacañang. Sabi ni Palace Spokesman Ignacio Bunya, itoy isang pananabotahe ng mga kalaban ni Presidente Arroyo sa panahong guma- ganda na ang takbo ng ekonomiya. Nagtuturuan ang administrasyon at oposisyon. Sino nga ba ang responsable? Sabi pa ni Bunye, "aalisan ng maskara" ng administrasyon ang mga may kagagawan nito. Papatawan ng kaukulang parusa.
Nakadidismaya na ang mga pangyayari. May mga indikasyon nang umiigi ang ekonomiya. Sumigla ang stock market. Patuloy na lumalakas ang ating piso na ngayoy umabot na sa P53.67 to a dollar. With a little more push, maganda ang prospect sa pag-asenso ng bansa.
Kaso binubuhay ang mga isyung politikal tulad ng "Hello Garci" na nagpapasariwa sa galit ng taumbayan sa Pangulo. Matindi ang epekto nito. Ayon sa latest SWS survey, sumadsad na naman sa pinakamababang antas ang popularidad ng Pa-ngulo. Kung wala ang tiwala ng taumbayan sa Pangulo, mahihirapan siyang i-angat ang kalagayan ng bansa. Hindi ko sinasabing balewalain ang mga kasong katiwalian at pandaraya sa eleksyon laban sa Pangulo. Kung nagkasala ang Pangulo gaya nang ipinaparatang, dapat siyang managot sa bayan.
Pero uulitin ko ang nasabi ko na noon. Gayahin natin ang ibang bansa na naghahabla sa kanilang mga leader pagkatapos ng termino ng panunungkulan nito. Kaya nga nakasaad sa Konstitusyon ang immunity from suit ng isang leader ay sapagkat nakasasagabal ito sa pangangasiwa ng pamahalaan.