Apat na tao lang naman ang tinamaan ng splinter bullet sa ibat ibang bahagi ng kanilang wankata nang makalabit ni Greg ang kanyang boga. Nagkasa kasi ng boga si Greg matapos silang bumaba ng taxi para ihatid ang kanyang watot na papaalis going abroad.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ikinasa raw ni Greg ang kanyang boga at tinanggal ang magazine na wala siguro sa isip niya na may load na ang baril niya saka kinalabit. Bungkonana sumabog este mali pumutok ang gun ni Greg.
Ang mga biktima ay mga pasahero rin na going abroad na mabilis dinala sa ospital. Tiyak ito ang problema ni Greg ang bayaran ang mga victims. Malaking pitsa ang kailangan para todits.
Ang mga biktima ay sina Gaudiosa Villanueva, empleyado ng National Treasury, Sherwina Akmed, pasahero ng Saudia Air, Maritess Cornell, pasahero ng China Airlines at Maymona Bulhin, isang well wisher. Sila ay pawang nagtamo ng tama ng splinter ng bala sa braso at binti, at pansamantalang naka-confine sa medical clinic ng NAIA.
Sabi ng mga galit na galit na biktima magsasampa sila ng kaso laban sa pulis, samantalang inihahanda din ng PNP-ASG ang kasong isasampa nila laban kay Gale dahil sa kapabayaan niya sa paghawak ng baril na nagresulta sa pagkakasugat ng tao.
Masibak kaya sa puwesto si Greg? tanong ng kuwagong haliparot.
Marami kasing kaso isasampa laban kay Greg, sagot ng kuwagong inspector ng bus.
Criminal at administrative.
Bakit dehins ba nag-eensayong bumaril ang mga lespiak sa Karingal shooting range? tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Iyan ang problema sa ibang lespiak ayaw mag-isip?
Korek ka diyan, kamote"