^

PSN Opinyon

High tech transpo sa Mega Manila

- Al G. Pedroche -
KAPAG heavy traffic, lagi nating sinisisi ang pamahalaan. Kahit ako’y gobyerno ang sinisisi kapag naiipit ako sa trapiko lalu pa’t kailangang nagmamadali. Ayon sa Metro Manila Development Authority, ito’y dahil sa patuloy na pagdami ng mga sasakyan. Batay sa pag-aaral, titindi pa ang problema sa 2010. Ang EDSA ay mistulang malaking parking lot kapag rush hour. Sa ulat ng Congressional Oversight Committee na nagpaplano sa pagpapaluwag ng trapik sa Metro Manila, sinasabing sa 2010, aabot sa 23 milyon ang populasyon ng Expanded Metro Manila. Ito’y kapag naging bahagi ng Metro Manila ang Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan. Sa Metro Manila lang ay mayroon ng 9 milyon ang populasyon.

Sana’y mapalibutan ng network ng LRT at MRT ang Metro Manila, lalu pa’t marami pang lalawigan ang masasakop dito kapag naging megapolis. Naging inspirasyon ang mga elevated mass transit system ng LRT line I, MRT 2 and 3, at ang pag-usbong ng iba pang mga katulad na proyekto.

Ngayon ay nakalatag na ang planong MRT 7 para tugunan ang pagdami ng populasyon sa East Metro Manila at Bulacan. Ang MRT 7 ay may habang 22 kilometro na magmumula sa SM City, North Ave. sa Fairview, Q.C. na aabot sa San Jose del Monte, Bulacan. Ito ang kaunaunahang intermodal transporta- tion sa buong Asia, Kung maaprobahan ng pamahalaan, magseserbisyo ito sa mahigit 400,000 pasahero sa unang limang taon na aakyat sa halos isang milyon matapos ang sampung taon.

Ayon sa Universal LRT Corporation, ang pagtatayo ng new city sa depot ng MRT 7 ay mag-aambag sa paglutas ng problema sa housing sa bansa lalu na sa Metro Manila. Magtatayo dito ng mga tenement type low cost housing. Ibig sabihin, papasok ang bilyones na investment sa real estate development to the tune of $500 million to $700 milyon. Puwera pa riyan ang $1.2 bilyon na nakalaan para lang sa railway system. Ang 195-ektaryang depot ng MRT ay gagawing residential-commercial property development area. Luluwag ang Metro Ma- nila at ang lugar na ito’y magiging sentro pa ng negosyo.

The beauty of the project is,
walang government guarantee ang proyekto kaya malaking katipiran ito sa kaban ng bayan. Wow! No where to go but up!

AYON

BULACAN

CONGRESSIONAL OVERSIGHT COMMITTEE

EAST METRO MANILA

EXPANDED METRO MANILA

MANILA

METRO

METRO MA

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with