Ang durian industry ay malaking pagkakitaan ng mga taga-Mindanao. Isa itong malakas na export product ng Pilipinas. Ang durian ay gamot sa mga may jaundice o naninilaw. Itoy nagpapababa rin ng lagnat at kapag pinakuluan at ipinaliligo ay nakakaalis ng pangangati at nagpapabahaw ng galis.
Napag-usapan na rin lang ang galis, ang dahon at dagta ng galing sa sanga ng kakawati ay nagpapahilom din ng sugat at gamot din sa anan, buni at iba pang sakit sa balat.
Ang dagta ng dahon ng malunggay ay gamot din sa sugat. Ayon sa mga researchers sa UP Los Baños ang malunggay ay may taglay na anti-inflammatory at anti-bacterial properties.