Isang halimbawa ang sadyang pagpapadugo sa pasyente, upang diumanoy lumabas sa katawan ang karamdaman. Natural, ang labis na pagdugo, dahil sa paulit-ulit na pagpapadugo, ay ikamamatay ng pasyente.
Isa pang halimbawa ay ang maling paniniwala sa mga mangkukulam. Maraming napagbintangan at kahit na walang batayan ang hinala ay basta na lamang sinunog ng buhay, sa harap ng maraming tao, ang pinaratangang mangkukulam.
Sa kabila ng gayong "barbarikong" ugali, bakit tinitingala ngayon ang Europa?
Natuto kasi ang Europa sa mga pagkakamali, at sa mga kalabisan. Noong taong 1300, nagsimula ang mahabang tag-gutom sa Europa dahil wala nang mayamang lupa na mapapagtamnan. Bukod sa pagbagsak ng mga ani, nagkaroon pa ng sunod-sunod na pagbaha. Sinundan pa ito ng epidemyang Black Death o bubonic plague noong 1348-1350. Sa dami ng mga nangamatay, nagkaroon ng kakulangan sa bilang ng mga manggagawa. Pero dahil tumaas ang pasuweldo sa mga natirang manggagawa, unti-unting nakabangon ang mga manggagawa mula sa piyudalismo.
Sa karanasan ng Europa, ang mga aral na natutunan sa tag-dilim at tag-gutom ay ipinatupad. Kabilang na sa mga pagbabago ay yaong sa pagmimina. Naging mas maingat na ang pagmimina, upang maiwasan ang sakuna sa tao man o sa kalikasan.
Kamakailan ay pinalad akong makapunta sa London, kung saan ginanap ang 2005 World Congress ng Mining Journal. Sa pandaigdigang pagpupulong na ito, pinarangalan ang Pilipi-nas dahil sa mga naitala nating tagumpay noong 2004-2005 sa larangan ng "sustainable" na pagmimina. Sa "sustainable" na pagmimina, hindi basta-bastang minimina ang mga mineral tulad ng ginto. Kailangan na tiyakin na sa pagmimina ay maiiwasan ang malakihang pinsala sa kapaligiran, tulad ng pagdaloy ng nakalalasong mga kemikal sa katubigan.
Noong araw na tayo ay sakop pa ng mga dayuhan, walang patumangga ang pagmimina. Ang interes ng mga dayuhan ay ang mga yamang-lupa, lalo na ang ginto. Hindi pinahalagahan ang kapaligiran. Itinuring na dagdag-gastos lamang ang pagbibigay proteksiyon sa kalikasan. Maling akala. Malaking pagkakamali.
Ngayon, makapagmimina lamang ang mga kumpanya kapag naipakita nila na may sapat silang mga makinarya at mga proseso upang mapangalagaan ang kapaligiran. Kailangan din nila ang pagsang-ayon ng komunidad na pagmiminahan.
Pinasimulan na rin ang pagpapatupad sa "environmental insurance." Ito ay ang paglilikom ng pondo na gagamitin lamang kapag may mga pinsala sa kalikasan na dapat lunasan. Lahat ng mga kumpanya na ang negosyo ay may potensiyal na makapinsala sa kapaligiran, ay inaata-sang magkaroon ng "environmental insurance." Sa gayon, kagyat na matutugunan ang mga pangangailangang darating.
Palibhasay pinapasimulan pa lamang ang sistemang ito, hindi pa perpekto ang pagpapatupad. Bigyan natin ng kaunting panahon upang ito ay maging lubos na epektibo. Ipakita natin sa mundo na ang pag-unlad ng pagmimina sa Pilipinas ay magiging kapaki-pakinabang para sa lahat, kasama na ang likas na kapaligiran.