^

PSN Opinyon

Umpisahan mo ’NING’, kami ang tatapos!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
NAG-UMPISA na ang "demolition job" laban sa grupo ng BITAG. Ito’y sa pamamagitan ng mga "text messages" at "e-mail" na ipinakakalat ng sender sa kanyang nais padalhan.

Isang "pseudo journalist" ang nasa likod ng "black propagandang" ito na ang asawa umano’y dating nagtatrabaho sa Bureau of Customs (BoC).

Nagpapagamit ang kolokoy sa mga kompanyang inilantad namin dahil sa bantot na kanilang mga itina-tago. Mino-monitor n’ya ang aming "live" television broadcast sa UNTV, Lunes hanggang Biyernes, sabay napapakinggan sa DZME 1530 kHZ maging ang kolum na ‘to.

Ayon sa kanyang ipinakakalat na "e-mail", maglalabas daw ang "gurang" na pseudo journalist na ito ng isang libro "at our expense." Nangangarap siya na sumikat balang araw sa pamamagitan ng pagbanat at paninira sa aming "reality investigative team" sa telebisyon, ang BITAG.

Kasalukuyang minamanmanan na siya ng BITAG maging ang mga taong nasa likod niya. Ang kanilang layunin makabawi man lang sa ganitong paraan matapos silang mailantad ng BITAG sa telebisyon, radyo at diyaryo.

Prinsipyo ng BITAG, kapag hindi namin naidu-dukumento, hindi namin kinukuwento. Ito ang tanging paraan ng BITAG bilang ebidensiya sa mga katiwalian ninuman sa ating lipunan.

Hindi namin layunin na hadlangan ang kanyang mga katarantaduhan. Dahil gagamitin naming basehan sa legal na hakbang ang kanyang "OBRA-MAESTRA" sa pamamagitan ng kanyang ilalabas na LIBRO kuno. Tsk tsk tsk!

Ngayon pa lang nagbibigay na kami ng mensahe sa kanya. Galingan mo! "Remember, BITAG will not take this sitting-down." Kahit saang "impiyerno" pa ito hahantong!

Umpisahan mo ’NING’, kami ang tatapos! Sa pangalan pa lang BINABAE ka na! Make your move!

AYON

BITAG

BIYERNES

BUREAU OF CUSTOMS

DAHIL

GALINGAN

ISANG

KAHIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with