EDITORYAL Maraming pinapatay na journalists at iilan lang ang naparurusahan
December 7, 2005 | 12:00am
SAMPU na ang napapatay na journalists ngayong 2005. Ang pinakahuling napatay na journalist ay si George Benaojan, broadcaster ng radio station dyDD at columnist ng Bantay Balita sa Talisay, Cebu. Ang 2005 ang sinasabing pinakamadugo sa buhay ng mga journalists. Parang mga manok na binabaril. At ang matindi sa kabila nang mga sunud-sunod na pagpatay sa mga journalists, iilan lamang ang napaparusahan. Marami sa mga pinatay na journalists at kanilang mga naulila ang sumisigaw ng hustisya. Subalit tila bingi ang gobyerno at walang aksiyon para mahuli ang mga salarin ng journalists.
Mabibilang sa daliri ang nadakip na mga killers ng journalists at mas mabibilang ang nahatulan nang mabigat. Ilang araw bago mapatay ang broadcaster na si Benaojan, hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ang killer ng journalist na si Edgar Damalerio. Ang killer ni Damalerio ay ang pulis na si Guillermo Wapile. Binaril at napatay ni Wapile si Damalerio noong May 13, 2002.
Mula noong 1986 na naibalik ang kalayaan sa pamamahayag, 73 na ang napapatay na journalists at ika-36 naman mula nang maupo si President Arroyo sa puwesto noong January 2001. Karamihan sa mga kasong pagpatay sa journalists ay naging mabagal ang imbestigasyon. Walang nararating ang mga pagsisiyasat. Nagningas-kugon na ang mga awtoridad. Sa bawat napapatay na journalists ay sinasabi ng Malacañang na gagawin ang lahat para maihain ang hustisya sa pinaslang. Gaano na karami ang pangako na wala namang kinahantungan? Gaano na karami ang pagkukunwari sa harap ng mga naulila ng mga journalists. Maski ang international media ay masyadong nababahala sa patuloy ng pagpatay sa mga journalists. Sabi ni Christopher Warren, International Federation of Journalists president, "These killings are not just a terrible pain to bear for media in the Philippines." Ang pahayag ni Warren ay kasunod ng pagkakapatay sa Cebu broadcaster na si Benaojan.
Ang patuloy na pagpatay sa mga journalists ang naging daan para magdraft ng resolution na ipinresenta kay UN Sec. Gen. Kofi Annan noong nakaraang buwan. Sa resolution ay nakasaad na ang mga gobyerno na hindi gumagawa ng hakbang para mahuli at maparusahan ang mga pumapatay sa journalists ay bibigyan ng karampatang aksiyon.
Magandang balita ito para sa mga Pinoy journalists. Dapat noon pa sana ito ginawa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended