^

PSN Opinyon

Ang cheap mo, Thaksin

SAPOL - Jarius Bondoc -
KAYA pala nagnga-ngawngaw si Thai Premier Thaksin Shinawatra nu’ng Miyerkules tungkol sa kuno’y pagkalulon ng 2005 Southeast Asian Games sa medalya imbis na sa sportsmanship. Naghahanap pala siya ng isyu – sa harap ng lumulubog na popularidad sa Thailand – na magpapa-pogi sa kanya sa mata ng mga kabayan. Ang cheap niya!

Malilinang ito sa news reports nu’ng araw ding ‘yon mula Bangkok. "Rebelyong Muslim, away sa isang may-ari ng media company, pumalpak na state asset sale, lagapak na ratings, at apat na buwan pagtulog ng stock market" – ilan lang ‘yan sa mga sakit-ulo ni Thaksin, ulat ng Bloomberg. "Ang approval rating niya nitong Oktubre ay bagsak sa 58.2 percent, mula 77.5 percent nu’ng Pebrero."

Desperado si Thaksin. Malala ang kawalan ng tiwala ng publiko sa kanya, sampung taon lang mula sa pinaka-matinding panalo sa halalan sa kasaysayan ng Thailand mula nang ito’y maging constitutional monarchy nu’ng 1932. Sinisira siya ng lumulubog na ekonomiya, tumataas na presyo ng bilihin, at kakapusan ng koleksiyong buwis – at ng kritisismo mula sa nagngangalit na media. Inaaway din niya ang mga guro at magsasaka.

At saan ibinibintang ni Thaksin lahat ito? Nu’ng una, sabi niya, sa masamang horoscope: "Mali ang alignment ng Mercury." Kinansela niya ang lingguhang press briefings hanggang pagtatapos ng taon. Matapos ang ilang araw ng masungit na pag-iwas, nagpa-interview na siya muli nu’ng Miyerkoles sa ilang piling reporters para magbigay ng komentaryo. At isa na nga ‘yung umano’y sumasamang takbo ng SEAGames na noo’y idinadaos sa Pilipinas.

May katuwiran si Thaksin sa pagsabing mas importante ang athletic spirit kaysa award. Pero bilang head of government, dapat ay nag-ingat siya sa pananalita dahil host ang Pilipinas. Sinabayan pa naman siya ng secretary general ng Thailand Olympic Committee na nagparatang, miski walang batayan o detalye, na dinaya sila ng Pilipinas sa taekwondo, boxing at gymnastics. At sila din naman ang Thai official sa ginto. Hindi na raw sila makaka-110-118 ginto dahil sa pagkatalo sa Pilipinas.

Hindi ba nila naiintindihan ang home court advantage ng host?

vuukle comment

BLOOMBERG

INAAWAY

KINANSELA

MALALA

PILIPINAS

REBELYONG MUSLIM

SOUTHEAST ASIAN GAMES

THAI PREMIER THAKSIN SHINAWATRA

THAILAND OLYMPIC COMMITTEE

THAKSIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with