^

PSN Opinyon

Business Radio okay as it is

- Al G. Pedroche -
ALMA MATER ko ang DWBR (104.3 MgHz). Diyan ako tinubuan ng tahid bilang radio announcer at reporter na siya kong naging springboard sa posisyon ko ngayong newspaper editor-in-chief. Magkakaroon ng pagbabagong-anyo ang himpilan. OK ang pagbabago basta’t sa ikabubuti pero it depends on the motive.

Masugid pa rin akong tagapakinig ng BR, lalu na kapag araw ng Linggo sa "Golden Years time slot" (12 noon to 7 pm) na kinariringgan ng tinig ng mga haligi ng brodkas gaya nina Ernie Zarate, Jo Sandiego, Barr Samson, Lito Gorospe at Bong Lapira. Listening to these old guards takes me back in time when radio was radio. On the daily basis, madalas naman akong nakikinig sa Kalikasan Vigilante ng mga kaibigan nating sina Emily Marcelo at Vic Milan. Puro old time favorites ang pinatutugtog sa BR. Kaya sa tuwing mapapakinggan ko ang breaker ni BR manager Jun Ruiz na "you have an alternative" nasasabi kong korek ka diyan Hunyo! Kahit saang istasyon ka pumihit, pulos modernong awitin ang naririnig. Hard rock, rap, modern jazz na bagamat okay ay nakasasawa kung yun at yun din ang mapapakinggan. We need an alternative indeed kapag medyo naumay sa modernong awitin at ang gusto nati’y gunitain ang good old days. Kaya I congratulate the management of BR sa pangunguna ni PBS director Rafael Dante Cruz for having carved a good nitche with a quality captive audience under the present setup.

Ang musika naman ay pang-akit lang ng mga listeners para pakinggan ang idini-deliver na mensahe ng gobyerno, (BR being a government radio station). Ang mga talks shows bukod sa "Kalikasan" tulad ng Broadcasters Bureau sa umaga pati na ang update sa takbo ng stock market ay kapakipakinabang sa ating mga kababayan. Kung may programa sa BR na dapat i-reporma, palagay ko, ito ang Make My Day ni Larry Henares na walang gi-nawa kundi magbasa ng kolum ng may kolum sa halip na maghayag ng sariling opinyon. I find that odd for a man of stature like Mr. Henares. No offense meant kundi constructive criticism lang.

Gagawing 100 percent Filipino music station ang BR. Nagkaroon ng deal ang himpilan sa Viva Entertainment top-honcho na si Vic del Rosario who also serves as presi- dential consultant on matters pertaining to entertainment. Nung isang araw ng Linggo, I was listening to Bong Lapira and his voice hinted of grief when he said he was all set and ready to hang his mike. Isang maliit na aspeto lamang ang promosyon ng sariling awitin sa dapat maging misyon ng isang himpilan ng pamahalaan. Maraming dapat i-promote. Ka- sama riyan ang kagandahang asal, panganga-laga ng kapaligiran, kaalaman sa pagnenegosyo at iba pang pakinabang para umunlad ang ating bansa. Ang mga kasalukuyang programa ng BR ay nagagampanan ang mga layuning ito. Kung dapat magpatupad ng reporma, kailangan dagdag hindi bawas.

BARR SAMSON

BONG LAPIRA

BROADCASTERS BUREAU

EMILY MARCELO

ERNIE ZARATE

GOLDEN YEARS

JO SANDIEGO

JUN RUIZ

KALIKASAN VIGILANTE

KAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with