Ayon sa Ob-Gyne na si Dr. Concordia Pascual, ang breast milk ay nagtataglay ng nutrients na kailangan ng baby. Mayroon din itong anti-bodies at iba pang protective factors na nakukuha ng sanggol mula sa ina para malabanan ang anumang impeksyon. Madali itong ma-digest kaya hindi kakabagan, magkaka-diarrhea at iba pang sakit ng tiyan.
Sinabi ni Dr. Pascual na ang breast feeding ay walang gastos. Hindi na rin kailangang maghugas at mag-sterilize ng milk bottles at hindi na paghihintayin nang matagal si baby para dumede. Hindi na rin kailangang bumangon sa gabi para ipagtimpla ng gatas ang anak. Ang payo ko sa mga ina pasusuhin ang inyong sanggol.