^

PSN Opinyon

Walang katulad ang gatas ng ina

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
WALANG tatalo sa gatas ng ina para sa kalusugan ng anak. Ang pagpapasuso ay masasabing magandang karanasan ng isang babae. Sa pagpapasuso ay lalong napapalapit ang anak sa ina dahil damang-dama ng sanggol ang init ng pagmamahal na nagmumula sa dibdib ng ina.

Ayon sa Ob-Gyne na si Dr. Concordia Pascual, ang breast milk ay nagtataglay ng nutrients na kailangan ng baby. Mayroon din itong anti-bodies at iba pang protective factors na nakukuha ng sanggol mula sa ina para malabanan ang anumang impeksyon. Madali itong ma-digest kaya hindi kakabagan, magkaka-diarrhea at iba pang sakit ng tiyan.

Sinabi ni Dr. Pascual na ang breast feeding ay walang gastos. Hindi na rin kailangang maghugas at mag-sterilize ng milk bottles at hindi na paghihintayin nang matagal si baby para dumede. Hindi na rin kailangang bumangon sa gabi para ipagtimpla ng gatas ang anak. Ang payo ko sa mga ina pasusuhin ang inyong sanggol.

AYON

DR. CONCORDIA PASCUAL

DR. PASCUAL

INA

MADALI

MAYROON

OB-GYNE

PARA

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with