^

PSN Opinyon

Mga sugalan sa MM hindi mamamayani kung walang basbas ng mga pulitiko

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
NAG-EXPAND na pala ng negosyo si Oye Santos, ang umano’y dummy ng video karera ni Len Oreta, ang kapatid ni Malabon Mayor Tito Oreta. Ayon sa mga suki ito, ito palang si Oye Santos ay may 30 makinang nakalatag sa ngayon sa kaharian ni Parañaque City Mayor Jun Bernabe. Matagal na ang operation ng video karera ni Oye Santos sa Parañaque City subalit hindi pa natin naririnig na may kampanya ang pulisya laban sa kanya. Sa totoo lang, para maikubli ang kanyang pangalan, ginagamit ni Oye Santos na dummy din ang isang alyas Ronald. At kagaya sa Malabon kung saan nagbingi-bingihan lang si Mayor Oreta sa problemang dulot ng video karera ng kapatid niya, ganun na rin si Mayor Bernabe. Sinabi rin ng mga suki ko na babae si Oye Santos at hindi lalaki tulad ng akala ng mga tagasubay-bay. He-he-he! Kung sabagay, marami na rin sa ngayon ang babaing gambling lords.

Kung namamayagpag ang video karera ni Oye Santos sa Parañaque City, mas marami namang makina ang nakalatag sa kaharian ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi.

Ayon sa mga suki ko, umaabot sa 40 makina ang kinagigiliwan ng mga adik sa ngayon sa Muntinlupa City at mukhang kinukunsinti naman ito ni Mayor Fresnedi. Ang masama niyan, isang pulis na si SPO1 Paeng Lipata na umano’y naka-assign sa opisina ni Chief Supt. Wilfredo Garcia, ang director ng SPD, ang nasa likod ng video karera operations sa Muntinlupa City. May basbas kaya ni Dir. Garcia ang mga makina ni Lipata? Kaya pala tahimik lang si Sr. Supt. Robert Rongavilla, hepe ng Muntinlupa City police, eh tiyak nagkalaman din ang kanyang bulsa. At paano susuwayin ni Rongavilla si Lipata kung nasa likod niya si Gen. Garcia, aber? He-he-he! Tsama-tsama sa ligaya ang mga opisyales ng pulisya sa SPD, di ba mga suki?

Kaya ko sinabing tsama-tsama sa ligaya sila dahil sa Las Piñas City naman ni Mayor Nene Aguilar ay nagsulputang parang kabute ang mga peryahan, lalo na sa Zapote area kung saan malakas ang color at number games. Sinabi ng mga suki ko na halos limang malalaking peryahan na ang gumagana sa Las Piñas City at naiwang nakatunganga si Supt. Josephus Angan, ang hepe ng pulisya. Siyempre, tiyak ding naanggihan ang bulsa ni Angan dahil sa mga pasugalan sa peryahan, di ba mga suki? Hindi na ako magtataka kung hindi kayang hambalusin ni Angan ang mga peryahan dahil alam n’yo na mga suki ang dahilan, di ba? Subaybayan at ibubulgar pa natin ang operation ng peryahan sa Las Piñas at antaying umaksiyon sina Mayor Aguilar at Supt. Angan.

Sa ngayon mga suki, kung titingnan n’yong maigi, mapupuna mo na ang mga operation ng sugal sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila ay hindi mamamayani kung walang basbas ng mga pulitiko natin, tulad nina Oreta, Aguillar, Fresnedi at Bernabe. Kasi nga hindi dapat panay kapulisan lang ang dapat sisihin kung malaganap ang pasugalan sa inyong lugar. Sa totoo lang, kapag naikumpas ng mga mayor ang kanilang mga kamay na bakal, walang magawa ang mga hepe ng pulisya nila kundi sundin ang kautusan nila, kasi ang mga pulis sa ngayon ay under the supervision na ng mga mayor. Pero hindi ko sinasabi na absuwelto na si Chief Supt. Garcia sa malaganap na pasugalan sa kanyang area.

ANGAN

CHIEF SUPT

CITY

GARCIA

KUNG

LAS PI

MAYOR

MUNTINLUPA CITY

OYE SANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with