Ipinagtapat niya ang pandaraya sa presyo ng kunwaring pagbebenta ng kanyang mansion sa isang military contractor at pagtanggap niya ng ibat ibang regalo kasama na ang isang Rolls-Royce, paggamit ng yatcht, mga libreng bakasyon at iba pa. Ginamit niya ang impluwensiya bilang pangunahing miyembro ng House Defense Appropriations Sub-committee at House Intelligence Committee.
Ang ginawa ni Cunningham ay hindi magagawa ng mga mambabatas sa Pilipinas. Dito, huling-huli nang nandaraya at nagnanakaw ang mga mambabatas at opisyal ng gobyerno, ayaw pa ring umamin yon pa kayang gayahin ang ginawa ni Cunningham.
Halos lahat ay ginagaya ng mga Pinoy. Subalit nasisiguro kong ang ginawa ni Cunningham ay hindi gagayahin ng mga opisyal dito sa Pilipinas kahit na baguhin pa ang sistema ng ating pamahalaan mula sa presi- dential hanggang sa parliamentary.
Alam ng taumbayan ang nangyayaring corruption sa pamahalaan. Subalit hindi nababawasan kahit kaunti. Kaliwat kanan naman ang akusasyon. Sila-sila rin ang nagsisiraan. Wala namang nahuhuli kahit na magkaroon ng imbestigasyon kaliwat kanan. Walang umaamin. Kaya ang taumbayan ang nagagago.