Batay sa kasaysayan, nagkaroon ng mahigpit na pagtatalo at hindi pagkakaunawaan ang mga pangkat ni Magdiwang na pinamumunuan ni Andres Bonifacio na nagtatag ng Katipunan at Magdalo nila Aguinaldo. Sa ginanap na convention sa Tejeros, Cavite noong 1887 ay kinuwestiyon nina Aguinaldo ang liderato at kapasidad na mamuno ni Bonifacio na inakusahan ng pagtataksil sa bayan. Matapos ang isang kontrobersyal na paglilitis, pinatay si Bonifacio kasama ang kapatid na si Procopio sa Bundok Buntis noong Mayo 18, 1887.
Ngayon ay ika-142 kaarawan ni Andres Bonifacio na isinilang sa Tondo, Maynila noong Nobyembre 30, 1863. Bagamat hindi nakapag-aral, nagsikap siyang basahin ang maraming aklat tungkol sa French Revolution na naging makasaysayang Sigaw Sa Pugad Lawin na naghudyat ng pag-aalsa laban sa mga Kastila noong Agosto 26, 1896.
Nang mamatay si Bonifacio, pinagpatuloy ng mga Katipunero ang pakikibaka sa pangunguna ni Gregoria de Jesus, ang biyuda ni Bonifacio na tinaguriang Lakambini ng Katipunan.