^

PSN Opinyon

Dakila si Andres Bonifacio

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ILANG dekada na ang nakakaraan pero hindi pa rin mawala ang usap-usapang pinapatay ni Heneral Emilio Aguinaldo si Andres Bonifacio. Mabigat na akusasyon ito. May mga pagsisi-yasat na ginawa ngunit wala namang konkretong resulta ang inilahad.

Batay sa kasaysayan, nagkaroon ng mahigpit na pagtatalo at hindi pagkakaunawaan ang mga pangkat ni Magdiwang na pinamumunuan ni Andres Bonifacio na nagtatag ng Katipunan at Magdalo nila Aguinaldo. Sa ginanap na convention sa Tejeros, Cavite noong 1887 ay kinuwestiyon nina Aguinaldo ang liderato at kapasidad na mamuno ni Bonifacio na inakusahan ng pagtataksil sa bayan. Matapos ang isang kontrobersyal na paglilitis, pinatay si Bonifacio kasama ang kapatid na si Procopio sa Bundok Buntis noong Mayo 18, 1887.

Ngayon ay ika-142 kaarawan ni Andres Bonifacio na isinilang sa Tondo, Maynila noong Nobyembre 30, 1863. Bagama’t hindi nakapag-aral, nagsikap siyang basahin ang maraming aklat tungkol sa French Revolution na naging makasaysayang Sigaw Sa Pugad Lawin na naghudyat ng pag-aalsa laban sa mga Kastila noong Agosto 26, 1896.

Nang mamatay si Bonifacio, pinagpatuloy ng mga Katipunero ang pakikibaka sa pangunguna ni Gregoria de Jesus, ang biyuda ni Bonifacio na tinaguriang ‘‘Lakambini ng Katipunan.’’

AGOSTO

ANDRES BONIFACIO

BAGAMA

BATAY

BONIFACIO

BUNDOK BUNTIS

FRENCH REVOLUTION

HENERAL EMILIO AGUINALDO

KATIPUNAN

SIGAW SA PUGAD LAWIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with