^

PSN Opinyon

Mag-amang Arthur at Arlene ‘untouchable’ sa Bgy. Parang, Marikina?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
DINUDUMOG pa rin ng mga sugapa sa sugal ang color at number games sa peryahan ng mag-amang Arthur at Arlene sa Bgy. Parang sa Marikina City. ’Ika nga, tuloy pa rin ang operasyon ng illegal gambling sa peryahan kahit nagtalsikan na ang laway ni NCRPO chief Vidal Querol na bawal ito. Matatandaan na nagsara ang peryahan nina Arthur at Arlene noong November 14. matapos ma-raid ito ng taga-RISOO at naaresto at nakasuhan ang personnel at mananaya nito. Subalit nagbukas na muli ang peryahan noong nakaraang Martes at mukhang may ipinagmalaki sina Arthur at Arlene nga. ‘‘Untouchable’’ ba sila o talagang umaandar lang ang P250,000 na weekly intelihensiya nila sa local officials at kapulisan?

Ang peryahan na matatagpuan sa Molina St., ay malapit lang sa presinto ni Maj. Briones at sa Barangay Hall ni chairwoman Vicky Favis. ‘‘Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, tiyak na nakikinabang sa peryahan nina Arthur at Arlene sina Briones at Favis dahil naka-pikit ang mga mata nila sa problema, di ba mga suki? Si Sr. Supt. Manny Gaerlan, ang hepe ng pulisya naman ay maaaring abala lang sa SEA Games o dili kaya’y nahihirapang hulihin ang peryahan dahil ala-9 ng gabi na ito kung magbukas at dalawang lamesa lang ang sugal. He-he-he! Anong unit kaya ng kapulisan o ahensiya ng gobyerno ang makakapansin sa problemang dulot ng peryahan na ito.

Kung hindi kayang ipasara nina Briones at Favis ang sugalan sa peryahan kahit abutin na ito ng dura nila sa kinaroroonan nila, baliktad naman ang nangyari sa Pasay City dahil ni-raid ng pulisya ang mini-casino sa groundfloor ng Monica condominium sa Buendia Ave., at nakahuli sila ng 27 katao. Kabilang sa naaresto ng mga bataan ni Chief Insp. Rey Ulic, ng Special Operations Unit ay si Mon Montesclaros alyas Joseph na umano’y maintainer, operator at card dealer ng sugal na tinatawag na ‘‘Texas Hold Em,’’ na kumbinasyon naman ng larong poker at pusoy. Iginiit ni Montesclaros na hindi sugal ang laro nila kundi isang tournament at may pot money na sila na umaabot sa milyon. Subalit hinatak siya at ang mga kasamahan niya, na karamihan ay mga UP students o galing sa mayayamang angkan, sa presinto at kinasuhan ng illegal gambling. Ginawang ebidensiya laban sa kanila ang nakumpiskang mga plastic chips, mga baraha, dice, cash na umaabot sa P5,600 at isang computer at card dealer training manual. Tatlong araw din ang binuno ng mga sugarol sa karsel, He-he-he! Tournament lang ang tu-ring eh sa kulungan bumagsak. Para silang mga kriminal, di ba mga suki?

Makakabawi pa kaya si Montesclaros? Ewan ko no? Pero mga suki, habang nakakulong si Montesclaros, isang judge ang lumutang at nagsasaad na hindi Mon ang pangalan niya kundi Joseph at abo’t langit ang kasong estafa ang hinaharap nito. Ang paborito palang milking cow ni Montesclaros ay ang mga Hapones na ‘‘kliyente’’ niya na tinatakot niya. At hindi rin umano abogado si Montes-claros tulad ng pagpakilala niya. ‘‘Ika nga, sanggang-diin din ang lakad ni Montesclaros, anang judge.

Sa ginawa ni Ulic, dapat din sigurong purihin si Pasay City Mayor Peewee Trinidad. Mukhang pumuntos si Trinidad subalit matagal pa bago niya ako makumbinsi na nasa tamang hakbangin siya para alisin sa taguring ‘‘Sin City’’ ang siyudad niya. Pero kahit paano, naikumpas ni Trinidad ang kamay na bakal niya laban sa mini casino di tulad ni Mari- kina City Mayor Marides Fernando na manhid sa mga problemang dulot ng peryahan nina Arthur at Arlene. Abangan!

ARLENE

BARANGAY HALL

BRIONES

BUENDIA AVE

CHIEF INSP

CITY MAYOR MARIDES FERNANDO

MONTESCLAROS

NIYA

PERYAHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with