Sangkatutak ang natalong pulitiko sa kamindanawan at ang feelings nila dinaya sila ni Hello Garci. Kaya naman nanggagalaiti sa galit ang karamihan sa kanila. Sabi nga, gustong bawian si Hello Garci.
Ang problema nga lang, tapos na ang eleksyon! Sabi nga, better luck next time. He-he-he!
May batas tayong dapat ipatupad kaya kailangan itong sundin, mahirap man o mayaman, bakla o tomboy, bata o matanda, may baktol o wala, basta no body is above the law.
Sabi nga, pantay-pantay lahat ang Noypi sa butas, este mali, batas pala na ipinatutupad ng Pinas.
Kung ang mga kuwago ng ORA MISMO ang tatanungin regarding Hello Garci, panahon na siguro para siya lumutang at magsalita ng totoo. Ika nga, walang labis, walang kulang! Sabi nga, truth shall prevail!
Gusto kasi ng Noypi ang katotohanan sa nangyaring dayaan regarding sa 2004 Presidential election.
Kaya naman kung magsasabi lang ng katotohanan si Hello Garci, tiyak tatanggapin ulit siya ng masang Pinoy.
Sabi nga, igagalang nang husto!
"Bakit ba urong-sulong si Hello Garci?" tanong ng kuwagong manlalait.
"Kumukuha lang siya ng tiyempo para kapag lumutang, maganda ang drama," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Bakit pang true-to-life story ba ang gagawing drama ni Hello Garci?" tanong ng kuwagong Kotong cop.
"Iyan kamote ang itanong mo sa kanya!"