Hinaing ng jeep-setter
November 28, 2005 | 12:00am
MASUGID na mambabasa si Rey. Anyay maraming malalaking isyu ang tinatalakay ng mga kolumnista, pero tila walang pumapansin sa hirap ng jeepney riders. Tandaan, mayorya ng ating kababayan ay jeep-setters.
Ang hinaing ni Rey ay tungkol sa jeepney drivers na walang modo. Kadalasan, kapag pumara sila, hindi pumaparada nang tamadi dapat lalampas ng isang piye mula bangketakaya hirap ang pasahero sumakay. Nabasa ko nga kelan lang ang pahayag ng isang babaeng estudyante na ihininto ng driver kung saan pa may baha, tapos sinigawan pa siya na huwag nang maarte at lumundag na. Hindi ba alam ng mangmang na driver na maaring magkasakit ng nakamamatay na leptospirosis (dahil sa ihi ng hayop) ang mga lumulusong sa maduming tubig-baha?
At pag nakasakay na ang pasahero, inaandar na agad ang jeep bago pa man siya makaupo. Delikado ito. May puwersang tutulak sa kanya pabaliktad sa arangkada ng jeep; maari siya mabuwal o mahulog mula sa sasakyan. Minsan ibinalibag ng pasaherong pababa ang pasahe niya sa driver, at nagsabing, "Iyan ay dahil sa kabastusan mo kanina nang hindi mo man lang ako hinintay makaupo nang mabuti."
Dagdag ni Del, "sa pagpasok ko sa trabaho, madalas mamantsahan ng langis o kalawang ang uniporme ko. Hindi man lang nililinis ang jeep." Sa kabatiran ng lahat, ani Land Transportation Franchising and Regulatory Board chief Len Bautista, dapat linisin ng operator o driver ang sasakyan bago pumasada. Bahagi ng matinong public utility service ang kalinisan at kaayusan ng jeepney.
Maaring smoke-belching na jeepneys. Ani Del, inatake minsan ang kapatid ng hypertension dahil sa usok-tambutso. Paglabag ito sa Clean Air Act. Sa pag-aaral ng World Health Organization, 9 sa bawat 10 kaso ng lung disease sa Kamaynilaanmula simpleng asthma hanggang malupit na canceray dahil sa buga ng diesel mula jeepneys at bus. Dalawa sa bawat 10 nagkakasakit sa baga ay namamatay. Bilyong-piso ang nasasayang na buhay, gamot at pa-ospital dahil sa diesel pollution.
Nagsisigarilyo na ang driver sa pasada miski bawal, reckless pa kung magmaneho, wakas ni Del. Alam din ng lahat na bawal ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended