^

PSN Opinyon

Huwag damihan ang toothpaste

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ANG pagsisipilyo ng ngipin ay importante ngunit ipinapayo na kapag nagto-toothbrush ay iwasan ang maraming tooth paste.

Ayon kay Dr. Helen M. Velasco, ang sobrang flouride ay nagiging dahilan ng tinatawag na dental flourosis kung saan nananakit ang binti, hita, at ulo. Dahilan din ito para ang ngipin ay maging brown. Sinisira rin ang tooth enamel. Sinabi ni Dr. Velasco na ang sobrang flouride ay nakakapinsala rin sa buto na magre-resulta sa arthritis.

Ipinapayo ni Dr. Velasco na makabubuting ang mga bata ay gumamit lang ng tinatawag nilang pea-size amount of fluoridated tooth-paste dalawang beses sa isang araw at iwasan din ang mga mouth-wash at iba pang produktong may fluoride.

Binigyan-diin ni Dr. Velasco na ang mga magulang ang dapat magbabala sa mga anak na huwag lulunin ang toothpaste na may candy at fruit flavors.

vuukle comment

AYON

BINIGYAN

DAHILAN

DR. HELEN M

DR. VELASCO

IPINAPAYO

SINABI

SINISIRA

VELASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with