Panibagong taon

NGAYON ang unang araw ng panibagong pangliturhiyang kalendaryo – na nagsisimula sa Unang Linggo ng Adbiyento.

Ang Adbiyento ay nangangahulugan ng "pagdating" – pagdating ng ating Tagapagligtas. At apat na linggo ang inilaan ng Simbahan sa ating liturhiya upang ihanda ang ating mga sarili sa pagdating ni Jesus, ang ating Tagapagligtas at Manunubos.

Ang Ebanghelyo para sa araw na ito ay maikli lamang, ngunit nagbibigay nang matinding paalaala para sa ating lahat (Mark 13:33-37).

Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, "Mag-ingat kayo at maging handa, sapagkat hindi ninyo alam kung kailan ito mangyayari. Katulad nito’y isang taong umalis upang maglakbay sa malayong lupain: Ipinababahala ang kanyang tahanan sa mga alipin na binigyan ng kanya-kanyang gawain, at inuutusan ang bantay-pinto na maging laging handa sa kanyang pagdating. Gayon din naman, maging handa kayo lagi, sapagkat hindi ninyo alam kung kailan darating ang puno ng sambahayan — maaaring sa pagdilim, sa hatinggabi, sa madaling-araw, o kaya’y sa umaga — baka sa kanyang biglang pagdating ay maratnan kayong natutulog. Ang sinasabi ko sa inyo’y sinasabi ko sa lahat: Maging handa kayo!"


Sa pagsisimula ng taon ng Panginoon 2006, ito kaya’y magiging taon para sa ating Diyos? Maghahari kaya ang kapayapaan at katarungan ng Diyos sa ating buhay sa 2006?

Show comments