Away nina Sr. Supt. Panen at Supt. Tabujara lumalala!
November 27, 2005 | 12:00am
MUKHANG lumalala na ang away nina Sr. Supt. Freddie Panen, ang Rizal PNP provincial director at Supt. Primitivo Tabujara, ang hepe naman ng Antipolo City police. Pero habang nag-aaway naman ang dalawang PNP officials, ayon sa mga suki ko sa Rizal, may pakinabang din dahil nalinis ng pasugalan ang Antippolo City. Kaya sa nangyaring bangayan nina Panen at Tabujara, nalulungkot ang pulisya ng siyudad ni Mayor Rafaelito Gatlabayan dahil gutom na sila kayat pati sugal lupa tulad ng tong-its at iba pa ay pinapatulan na nila. Sa tingin ng mga suki ko, gustong palitan na ni Panen si Tabujara na kapit-tuko sa puwesto dahil sa relasyon niya kay Mayor Gatlabayan. Kung sabagay, matatawag kung overstaying na si Tabujara at mukhang hindi na siya makapuwesto maliban sa Antipolo. Mahigit tatlong taon na sa puwesto si Tabujara at naudlot lang nang palitan siya noong nakaraang elections bunga sa relasyon niya kay Gatlabayan. May pirmado atang kasulatan si Tabujara sa PNP officials na wala na siyang maitutulong sa kapulisan natin maliban sa siyudad ni Gatlabayan lang. He-he-he! Pang-Antipolo lang pala ang abilidad ni Tabujara, di ba mga suki?
Nag-umpisa ang away ng dalawang PNP officials nang maglagay ang bata ni Panen ng mga fruit games sa Antipolo City na sinuyod naman ng mga tauhan ni Tabujara. Mula noon, ang mga operating units ng Rizal PNP ay wala nang ginawa kundi magsagawa rin ng raid sa kaharian ni Tabujara. Nagbabakasakali kasi si Panen na madale ng three strike policy sa pasugalan ni PNP chief Dir. Gen. Arturo Lomibao si Tabujara. Pero matunog si Tabujara at hindi siya pumayag na may papasok na pasugalan sa siyudad ni Gatlabayan. Ayaw niyang masilipan siya ni Panen. Kaya ang payo ko sa mga taga-Antipolo na may reklamo laban sa kapulisan nila na dumiretso sila sa opisina ni Panen at tiyak may action kaagad sa hinaing nila. Hindi nangingiming mag-relieve si Panen ng mga tauhan ni Tabujara kung may kaso naman talaga sila.
Si Tabujara ay suportado pala ng Iglesia ni Cristo. Kaya hindi siya kayang pakawalan ni Gatlabayan ay dahil makapal ang Iglesia sa Antipolo at malakinig kawalan ang mga ito sa darating na elections. Pero hindi naman pahuhuli si Panen dahil direkta rin siya kay Bro. Eddie Velarde ng El Shaddai. At si Panen ay bagyo rin kay Rizal Gov. Ito Ynarez. Kaya kapag hindi pa masawata ang away nina Panen at Tabujara, maaaring lumaki pa ito at ang mga padrino nila ay manghimasok na rin sa problema.
Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended